Dear Kuya Rom,
Tawagin mo na lang akong James. Ang aking misis ay produkto ng isang broken family. Maganda siya, minahal ko siya, pinakasalan at ibinigay ang lahat ng kailangan niya -- lote, bahay, kotse. Nagkaroon kami ng isang anak na nasa college na ngayon. Ang akala ko’y hindi darating na sasaktan ko ang damdamin ang aking asawa. Pero nagawa ko at hindi niya ako mapatawad.
Siya ay nagkasakit ng malubha at mahirap gamutin. Dahil dito, apektado ang aming sex life. Hindi niya matugunan ang pangangailangan ko.
Gumawa ako ng solusyon at nakipagrelasyon ako sa iba’t ibang babae.
Nahuli ako ng misis ko sa pangatlong babae. Pinagsarhan niya ako ng pinto at hindi ako makapasok sa bahay namin. Humingi siya ng tulong sa pamilya ko. Isinumbong niya ako sa kanila.
Nasira ang aking relasyon sa aking misis. Mahal ko siya at wala akong balak na hiwalayan siya. Nais kong hindi siya makaranas muli ng isang broken family. Kailangan niya ako dahil may sakit siya at gusto kong suportahan siya sa kanyang kalagayan. Pero bakit hindi niya ako mapatawad?
Kung minsan, parang masisiraan ako ng bait at gusto ko nang wakasan ang lahat ng aming paghihirap. Naiisip kong patayin ang misis ko, ang anak ko at magpakamatay na lang ako. Pero alam kong kasalanan ito sa Diyos. Sana, Kuya Rom, matulungan mo ako sa problema ko. Maraming salamat.
James
Click ka
dito para sa kasagutan.
nahanap ni tnl Merck Maguddayao.
galing
dito ang picture.