Friday, December 30, 2011

Ang tunay na lalake ay walang abs (at iba pang komento sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Eto ang lagay - matagal na, matagal na matagal na akong hindi nakakakita ng trailer ng pelikulang Pilipino na may barilan, may tino-torture, at umuulan pero walang nag-iiyakan. Ang huli kong napanood na Pinoy action film sa sinehan mismo e yung Anak ng Kumander na starring, directed by, co-written by, theme song performed by at produced by Manny Pacquiao. Ang masasabi ko lang ay...magaling, napakagaling na boksingero ni Pacquiao. Yun lang. Di rin ako makarelate sa lalake sa mga recent na pelikulang Pinoy – lalakeng pinag-aagawan nina Christine Reyes at Anne Curtis dahil ang guwapo niya lang, o lalakeng kabisote na nakaengkanto ng babaeng nasa kalahati ng kanyang edad, o kaya lalakeng nagkaka-amnesia sa isang pelikulang pinamagatang My Amnesia Girl.


Idagdag pa na sina Ely Buendia at Gloc9 ang gumawa ng theme song ng Asiong, tapos may awayan portion pa tungkol sa director’s cut at producer’s cut at may A rating mula sa Cinema Ratings Board – e di game, tara, panoorin natin ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Busy ka ba? Kung oo, sasabihin ko na lang sa yo na panget ang Asiong, pero pangako, magugustuhan mo siya. Kung hindi ka busy, upo ka muna. Ipapaliwanag ko sa yo kung bakit.

Maganda ang timing ng Asiong. Entry siya sa Metro Manila Film Festival, tapos ang mga kasabayan niya e same old same old – UnliShake Rattle and Roll, pelikulang may Kris Aquino at salitang “Mano” sa pamagat, pelikulang may Juday at Ryan Agoncillo, Panday of the Titans, pelikulang may “Enteng” at “Ina Mo” sa pamagat, at kung anu-ano pang shit. Tapos, isipin mo yung mga nagdaang lima, sampung taon. May naaalala ka bang Pinoy action film? May naaalala ka bang pelikulang Pinoy na trailer pa lang e alam mo nang panlalake siya?

Panlalakeng pelikula. Huwag na nating pag-usapan ang pene films nung 70s at ang titilating films gaya ng Talong, Anakan mo Ako at Tag-ulan Noon, Ang Bukid ay Basa. Wag ganun, baka masabihan pa tayong sexist. Isipin mo na lang si Derek Ramsey.

Oo, isipin mo si Derek Ramsey. Nasa tabing dagat siya, tinatanaw si Angelica Panganiban. Tapos tututok kay Derek yung camera, lalapit, malapit na malapit, parang hinihimas ang kanyang balikat, dibdib, abs. Hindi ka sigurado pero parang may nakita kang bumabakat sa suot niyang short.

O isipin mo si Gerald Anderson. Kausap niya si Sarah Geronimo. Sabi ni Sarah, bakit ka ganyan makatingin? Tapos sasabihin ni Gerald, ang ganda mo kasi e. Tapos ngingiti siya, parang biglang nag-slow mo ang camera, tapos tatambling sa kilig si Sarah Geronimo.

Hindi ganyan ang panlalakeng pelikula. Yang mga ganyang pelikula ay yung tipo ng pelikulang napanood mo kasi monthsary niyo ng girlfriend mo at gusto niyang manood ng sine tapos pumayag kang yun na lang ang panoorin kasi mahal mo siya and all that shit. Tapos after a few months, maghihiwalay kayo kasi nagalit siya dahil ayaw mong gamiting profile pic sa Facebook yung picture niyong dalawa na magkayakap nung minsang nagpunta kayo sa Enchanted Kingdom.

Ano na nga bang pinag-uusapan natin?

Sa Asiong, walang Derek Ramsey. Yung mga main characters, malaki ang tiyan. Pati nga si Carla Abellana, malaki ang tiyan dahil buntis. Alam mo na nilagay yung mga artistang yun sa Asiong hindi dahil sa kanilang good looks kundi dahil sa kanilang personality. Dahil dun, pag sinabi mo sa mga kaibigan mo na “Maganda ang Asiong!”, meron kang credibility, di tulad ng mga nagsasabing “Maganda ang Twilight kasi ang guwapo ni Edward Cullen! Like niyo to if you agree!”. Tanginang yan.

Totoo rin yung sinasabi ng ibang reviewers na ang gulo ng kuwento ng Asiong, na parang tumira ng katol yung nag-edit, ganun. Pero okey lang yun. Nagpunta ka sa sinehan para magtext, dumukot sa malalim na lalagyan ng popcorn, lumingon sa magsyotang naghahalikan, magdikit ng bubble gum sa upuan at tumingin sa screen paminsan-minsan kapag lumalakas ang volume kasi may nagbabarilan. Hindi ka nagsine para mabago ang buhay mo. Walang graded recitation pagkatapos ng pelikula. Gusto mo lang maging ikaw at alam mong hindi ikaw si Gerald Anderson at si Coco Martin.

Kaya okey lang kahit sa simula ng pelikula sinuntok ni Roi Vinzon nang 48 times sa mukha si Jorge Ejercito (Asiong) tapos sa susunod na eksena listong-listo na siya at isinama ang tropa para rumesbak. Okey lang na kahit tirador at kutsilyo ang ipinantutok nila bago magsimula ang laban, naratrat ng bala ang mga kalaban nung pumalag sila. Wala tayong problema kahit na nung magkatutukan ng baril, walang hawak na baril yung isang tambay at kamao niya ang ipinantutok niya. Yaan mo na kung bakit hindi pa rin nakakalabas ng Bilibid si Jay Manalo kahit tropa niya lahat ng pulis. Pakelam ba natin kung bakit lumusob sa libing sina Totoy Golem tapos handa sa barilan ang buong pamilya tapos biglang may nakikipagbarilan habang nagbibisekleta.  

Magandang panoorin ang Asiong sa sinehan kase maraming nanonood na tunay na lalake. Yun bang nakacargo pants at itim na t-shirt tapos maya’t maya sumisigaw ng “Asioooong!”. Tapos pag may tumunog na cellphone sisigawan nila ng “Pakisagot naman yung telepono o. Busy ako e.” Kapag sinabi ni Asiong na “Simple lang naman ang buhay mo, Fidela e. Alagaan mo ang anak natin, magpaganda ka pa lalo, lagi kang maging malambing...at hintayin mo akong umuwi,” papalakpak sila, tapos papalakpak ka rin, magpapalakpakan kayong lahat, tapos magmamadali kayong umuwi dahil kailangan niyo pang magsaing.

Maraming eksenang beri gud sa Asiong. Kung magaling lang umarte si Jorge at hindi timang yung pagka-edit, pang-first honor yung pelikula e. Halimbawa, ang gandang tingnan ng mga namamatay kapag may aksiyon. Di kagaya ng ibang Pinoy action films na muntanga lang yung mga nababaril (usually nasa mataas na lugar, mangingisay, tapos mahuhulog). Pinakagusto kong namatay yung driver ng kalesa. Bale ang nangyayari, binabaril nina Totoy Golem yung dati nilang tropa na kaaway na nila ngayon. Nakatago siya sa likod nung driver ng kalesa, tapos dahil kontrabida sina Totoy Golem, bumaril pa rin sila kahit may inosenteng matatamaan. E di nasapul yung driver ng kalesa. Tapos ang ganda niyang mamatay. Lumiyad siya nang nakapikit, parang nilalabasan, saka siya humandusay. Tangina, ganun mamatay, mehn. Kung may gagawa ng bagong pelikula tungkol kay Rizal, siya dapat ang kuning artista para maganda yung death scene.

Marami ring magaling umarte. Bilib na bilib ako kay Carla Abellana kasi nahalikan niya nang 48 times si Jorge Ejercito. Kalokohan kapag hindi siya nanalong Best Actress dahil dun. Solid ang supporting cast – as usual magaling si Baron Geisler as himself, mukha talagang kontrabidang masarap pagbabarilin si Jon Regala, at utang na loob naman, gawin niyo nang bida si Ronnie Lazaro. Ang galing-galing nung tao lagi na lang siyang supporting actor sa mga pelikula.

Ang bad news e R13 yung pelikula kaya hindi ka titigasan sa mga love scene. Namputsa naman, mga direktor ng sex scene sa pelikulang Pinoy, andaming nagkalat sa sex scandal, panoorin niyo naman para matuto kayo kung paano bumuhay ng hibo ng kalupaan. O kaya hingi kayo ng tips kay Hayden.

Okey na siguro to. Kung di mo pa napapanood, panoorin mo na ang Asiong. “Trak trak na bigas pa ang kakainin” ng Pinoy action film, pero mabuti naman at buhay pa pala siya. Welcome back pare, long time no see.

-lil z

Thursday, December 29, 2011

Wednesday, December 28, 2011

Tuesday, December 27, 2011

Asiong Salonga: Under Consideration


Ang tunay na lalake:

1. Walang emosyon at hindi marunong umarte (Shalani Soledad rule)
2. Walang abs
3. Padadapain ka sa kinatatayuan mo
4. Nakikipagbarilan sa warehouse pagkatapos mabaril sa paa
5. Walang dapat pag-usapan
6. Makahalik lang kay Carla Abellana
7. Makikipagkita sa ticket lady bukas
8. Hindi umiilag (Ricky Hatton rule)
9. Kung anu-ano pang shit

Kaya lang:

1. Nagpapahuli nang buhay (Angelo Reyes rule)
2. Nagpahuli uli nang buhay
3. PG13 lang
4. Nagsisimba
5. Nagsabing "ang tunay na lalake ay hindi namamatay"...tapos namatay
6. Kung anu-ano pang shit

Ano sa tingin niyo?

Ginagawa pa ang review. Hintay lang.

Monday, December 26, 2011

Opinyon ng mga Tunay Na Lalake


"Man will never reach the moon regardless of all future scientific advances."     
-- Dr. Lee DeForest, "Father of Radio & Grandfather of Television." 

"The bomb will never go off. I speak as an expert in explosives."        
 - - Admiral William Leahy , US Atomic Bomb Project 

"There is no likelihood man can ever tap the power of the atom."        
 -- Robert Millikan, Nobel Prize in Physics, 1923 

"Computers in the future may weigh no more than 1.5 tons."     
-- Popular Mechanics, forecasting the relentless march of science, 1949 

"I think there is a world market for maybe five computers ."   
-- Thomas Watson, chairman of IBM, 1943 [Oddly enough it was IBM that also saw little use for what became the Xerox copy machine many decades later and refused to fund its development.  

"I have traveled the length and breadth of this country and talked with the best people, and I can assure you that data processing is a fad that won't last out the year." 
-- The editor in charge of business books for Prentice Hall, 1957 

"But what is it good for?" 
-- Engineer at the Advanced Computing Systems Division of IBM, 1968, commenting on the microchip.

"640K ought to be enough for anybody."                
-- Bill Gates, 1981 

This 'telephone' has too many shortcomings to be seriously considered as a means of communication. The device is inherently of no value to us,"
 -- Western Union internal memo, 1876. 

"The wireless music box has no imaginable commercial value. Who would pay for a message sent to nobody in particular?"
 -- David Sarnoff's associates in response to his urgings for investment in the radio in the 1920s. 

"The concept is interesting and well-formed, but in order to earn better than a 'C,' the idea must be feasible," 
-- A Yale University management professor in response to Fred Smith's paper proposing reliable overnight delivery service. (Smith went on to found Federal Express Corp.) 

"I'm just glad it'll be Clark Gable who's falling on his face and not Gary Cooper," 
-- Gary Cooper on his decision not to take the leading role in "Gone With The Wind." 

"A cookie store is a bad idea. Besides, the market research reports say America likes crispy cookies, not soft and chewy cookies like you make,"   
-- Response to Debbi Fields' idea of starting Mrs. Fields' Cookies. 

"We don't like their sound, and guitar music is on the way out,"
 -- Decca Recording Co. rejecting the Beatles, 1962

"Heavier-than-air flying machines are impossible," 
-- Lord Kelvin, president, Royal Society, 1895. 

"If I had thought about it, I wouldn't have done the experiment. The literature was full of examples that said you can't do this,"
 - - Spencer Silver on the work that led to the unique adhesives for 3-M "Post-It" Notepads . 

"Drill for oil? You mean drill into the ground to try and find oil? You're crazy," 
-- Drillers who Edwin L. Drake tried to enlist to his project to drill for oil in 1859. 

"Stocks have reached what looks like a permanently high plateau." 
- - Irving Fisher, Professor of Economics, Yale University , 1929

"Airplanes are interesting toys but of no military value," 
-- Marechal Ferdinand Foch, Professor of Strategy, Ecole Superieure de Guerre , France . 

"Everything that can be invented has been invented," 
-- Charles H. Duell, Commissioner, US Office of Patents, 1899

"The super computer is technologically impossible. It would take all of the water that flows over Niagara Falls to cool the heat generated by the number of vacuum tubes required." -- Professor of Electrical Engineering, New York University 

"I don't know what use any one could find for a machine that would make copies of documents. It certainly couldn't be a feasible business by itself." 
-- the head of IBM, refusing to back the idea, forcing the inventor to found Xerox. 

"Louis Pasteur's theory of germs is ridiculous fiction."       
-- Pierre Pachet, Professor of Physiology at Toulouse , 1872 

"The abdomen, the chest, and the brain will forever be shut from the intrusion of the wise and humane surgeon,"
 -- Sir John Eric Ericksen, British surgeon, appointed Surgeon-Extraordinary to Queen Victoria 1873

"There is no reason anyone would want a computer in their home."
 -- Ken Olson, president, chairman and founder of Digital Equipment Corp., 1977


nahanap ni tnl boyan dito.

Friday, December 23, 2011

Thursday, December 22, 2011

Kumusta araw mo tol?


Salamat sa tangina this ni tunay na lalakeng mark atas.

Wednesday, December 21, 2011

Dear Hay! Men! - Paano ba magdeliver ng monitor sa makalalakeng paraan?


Salamat sa tangina this ni tunay na lalakeng meeko javier sagum.

Update sa Pagkatunay na Lalake ni Kris Aquino

"Ngayon, 'yun namang party ay matagal nang naka-schedule 'yon. Siyempre, may mga masasamang nangyayari at may malungkot but then, life should go on. Hindi naman pwedeng huminto na lang ang buhay at magmukmok na lang tayo."

Idagdag sa Kris Aquino rule: Ang tunay na lalake, parang walang nangyari.

May balita dito.
Galing dito ang picture.

Tuesday, December 20, 2011

Mabuti na yung malinaw.


nahanap ni TNL Mihael Veneth

Ay... puke!

nakita ni tnl ric dela cruz dito

DTNL experience sa isang TNL na gawain

 
nahanap ni tnl joseph sadsad

Spot the TNL!


galing kay tnl kalby

Sumbrero ba kamo?


galing kay tnl Miguel lll Gabuat.

Gawain ng Tunay Na Lalake


gawain ng tunay na lalake ang matulog sa daan kapag di na makauwi sa sobrang kalasingan.

galing kay tnl jimmy liwag

Kumusta araw mo troll?

galing kay tnl michiko

Ang puso ko'y sa yo lang sinta, ngunit ang titi ko'y komunista

Kim Jong-il: Tunay na Lalake


February 16, 1941/2 - 2003 este February 16, 1941/2 - September 2008 este February 16, 1941/2 - December 17, 2011 pala

Alaala ng mga tunay na lalakeng naiwan

Monday, December 19, 2011

Survey Results: Ito ang mas gusto niyong makasex


Anne Curtis ang ulo pero Piolo Pascual ang katawan - 63 votes

Piolo Pascual ang ulo pero Anne Curtis ang katawan - 304 votes

TNL Spotted


Salamat sa tangina this ni tunay na lalakeng angelo bustunera.

Gawain ng Tunay Na Lalake


gawain ng tunay na lalake ang magtrip sa oras ng trabaho at sayangin ang oras ng iba.

Sunday, December 18, 2011

Friday, December 16, 2011

Mabuti na yung malinaw


Salamat kay tunay na lalakeng unlimited concepts.

Pang-exchange gift ng Tunay na Lalake: Breast Stress Ball


Nakita dito ni tunay na lalakeng sam macaisa. Meron din kaming nakita sa Divisoria. Kung walang mahanap na ganito, makalalake pa rin naman ang pagbibigay ng photo album at mug sa exchange gift.

Christmas Tree ng mga Tunay na Lalake


Padala ni tunay na lalakeng ron atienza.

Balita: Ang paglunok ay nakatutulong sa pag-iwas sa cancer


Nandito ang detalye para sa mga concerned sa kalusugan ng kanilang partner.


Galing dito ang picture.

Ay...puke?


May iba pang tangina this na puke dito.

Thursday, December 15, 2011

Estelito Mendoza: Abogado ng mga Tunay na Lalake


Ilan sa mga kliyente ni Mendoza:
1. Ferdinand Marcos and cronies
2. Joseph Estrada
3. Gloria Macapagal Arroyo

Heto pa ang ibang shit ni Mendoza.

Heto ang isa pang abogado ng mga tunay na lalake:


Galing dito at dito ang pictures.
Salamat kay tunay na lalakeng fredrhenn las

Dear Hay! Men! - Paano po ba gawin yung Arm Triangle sa MMA?


Now you know. And knowing is half the battle. G.I. Joeeeeeee


Salamat kay tunay na lalakeng beatrix juan.

Kumusta araw mo tol?


Salamat kay tunay na lalakeng anabelle cuenca.

Face to Face: Tunay na Lalake


Salamat sa tangina this ni tunay na lalakeng spooky flakez.

Tuesday, December 13, 2011

Addendum sa Manifesto ng Tunay na Lalake


Ang tunay na lalake ay magaling mag-shoot.


Salamat sa tangina this ni tunay na lalakeng diolan jaurigue.