
Mga brad, atin-atin lang to ha, pero isa sa mga dahilan kung bakit tinutuloy namin ang blog na to e dahil naaaliw kami sa pagbabasa ng mga comments. Sobrang laugh trip ang mga hirit niyo, lalo na nung mga unang buwan ng blog na to. Kahit nga yung mga banat sa amin, hindi namin pinatulan kasi natawa rin kami, at mahalaga rin naman para mapabuti pa ang shit dito sa Haymen.
Pero habang tumatagal hindi na nakakatuwa ang mga shiznitz. Di na kami nage-enjoy sa pag-click sa Tangina This, kahit manaka-naka e may mga okey pa ring hirit.
Kaya comment moderation muna tayo.
Tawagin niyo na kaming pasista, killjoy o kung ano pa mang shit na maisip niyo. Marami nang naitawag sa amin simula nang mag-umpisa ang blog na ito, hindi naman bago sa amin ang ganyan.
Pinag-uusapan sa blog na ito ang mga tunay/di-tunay/UC. Kung may iba kayong gustong pag-usapan gumawa kayo ng sarili ninyong shit. Kung gusto nyo makiapag-exchange link pa kayo sa Haymen. Ginagawa namin yun. Madali kaming kausap pagdating sa mga ganyang shit.
Basta wag lang kayong posser tulad ni
dax dacayan. At para makapag-comment kayo dito at maintindihan ang sinasabi namin, pansamantala muna naming tinanggal ang comment moderation. Digs ba?
Hala tama na ang satsat! Tuwad!
galing kay tnl garnilcabrera ang picture.