Dear Xerex,
Sumulat po ako kasi wala rin akong magawa at makausap sa bahay. Naisip kong kapag nalathala ang sulat na ito, magkakaroon ako ng media exposure, at iisipin ng mga mambabasa (lalo na yung mga bobo) na mayroon akong sex life, kahit na halata namang wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi gumawa ng mga sulat na ganito.
Xerex, ang sama ng panaginip ko kagabi. Nasa isang kama raw ako, kasama sina Francine Prieto, Katrina Halili, Angel Locsin at Christine Reyes. Nasa gitna raw ako ng kama, at sila, nasa hilaga, timog, silangan at kanluran. Sabay-sabay daw nila akong dinidilaan. Yung isa sa kanila, hindi ko malaman kung sino, malikot ang dila. Yung isa naman, hindi ko rin malaman kung sino, basang-basa ang dila. Yung isa naman, mabilis dumila. At yung isa pa, mainit na mainit ang dila.
At may nagtatanong raw sa akin. SINO SA KANILA ANG PINAKAMASARAP DUMILA? Sabi ko po, hindi ko alam, hindi ko alam. SINO SA KANILA ANG PINAKAMASARAP DUMILA? Sabi ko uli, hindi ko alam, hindi ko alam. Ano ba ang mga pamantayan? SINO SA KANILA ANG PINAKAMASARAP DUMILA? Sabi ko uli, hindi ko alam, basta, masarap. Basta, masarap ang iba’t ibang klase ng pagdila!
At saka ako nagising, Xerex. Sobra akong na-guilty. Tiyak na magagalit sa akin sina Francine, Katrina, Angel at Christine kapag nalaman nila ang panaginip ko. Nagpasya akong huwag na lang sabihin sa kanila.
Alam mo Xerex, nakita ko kahapon ang kapitbahay namin, nanonood ng mga video nina Maria Ozawa at Sasha Grey sa internet. Tapos pumunta siya sa www.tunaynalalake.blogspot.com. Walang hiya! (yung kapitbahay po namin, hindi kayo). Hindot! (yung kapitbahay po namin uli, hindi kayo). Naawa ako sa kanya, Xerex. Alam naman nating ang mga nanonood ng porn at nagbabasa ng Hay! Men! ay mga sexist at homophobic na mga putanginang shit.
Pagkatapos niyang magjakol iniwanan niya lang ang kanyang laptop na nakahibernate. Napakairesponsable. Paano kung makita ng kabataan ang mga pinuntahan niyang website? Hindi niya ba alam na hindi nag-iisip ang kabataan? Hindi niya ba naisip na napakapowerful na medium ng internet, mas malakas pa sa pagpapalaki ng magulang, sa peer pressure, sa simbahan at sa iba pang mass media? Bobo! (yung kapitbahay po namin, hindi kayo). Walang isip! (yung kapitbahay po namin, hindi kayo).
Kaya binantayan ko ang laptop na iyon, Xerex. Bumili ako ng teleskopyo at naglagay ako ng mga hidden camera sa kanilang bahay. Para mabantayan ko ang laptop niyang iyon. Hindi iyon dapat makita ng ibang tao, lalo na ng kabataan. Nag-post din ako sa personal blog ko ng petisyon para ipasara ang mga porn sites at ang Hay! Men!. Nilagyan ko rin ng link patungo sa mga website na iyon para makita ng mga taong nagbabasa ng blog ko (marami akong readers Xerex) kung anong mga site ang dapat naming labanan.
At nangyari ang isang bagay na kagimbal-gimbal. Pagkagat ng dilim, nang matulog na ang kapitbahay namin, napansin kong gumagalaw ang laptop. Biglang umilaw ang screen. At bumangon si Benny Lava at ang mga hubad na babaeng nasa mga website na iyon! Tinigasan ako, Xerex. Sinaklot ako ng matinding pagnanasang manggahasa ng mga babae dahil nakakita ako ng hubad na katawan. Hindi lang babae, Xerex. Dahil nakakita ako ng hubad na katawan, gusto ko na ring manggahasa ng mga sanggol, ng aso, ng giraffe, ng water bufallo, ng air con, ng jeepney, ng MegaMall. Lahat, gusto kong gahasain dahil nakakita ako ng hubad na katawan! Napakalakas ng internet! Katapusan na nating lahat! Sheeeeeeet!
Pero handa ako sa ganoong mga pagsubok, Xerex. Naglabas ako ng punyal at hiniwa ko ang aking braso. Pagkatapos hiniwa ko naman ang inihanda kong dayap. Pinatakan ko ang aking sugat ng katas ng dayap para hindi ako maharuyo ng mga hubad na katawang nakita ko. At nagjakol rin ako para hindi umapaw ang aking pagnanasa.
Hindi alam ni Benny Lava at ng mga babaeng hubad na pinapanood ko sila. Hindi nila alam na nakita ko kung paano silang nagsayaw, nag-split, naligo ng VCO (virgin coconut oil). Hindi nila alam na kitang kita ko ang pagkintab ng kanilang balat sa liwanag ng buwan. Hindi nila alam na nakita kong hinahalikan nila ang isa’t isa, una sa kanilang mga labi sa itaas, patungo sa kanilang labi sa ibaba. Nakita ko ang lahat, Xerex. Ang sabunutan. Ang posas. Ang latigo. Ang tube ice. Ang kanilang pag-missed call sa isa’t isa para mag-vibrate ang kanilang mga cellphone. Ang talong. Ang kalabasa. Narinig ko ang kanilang mga tawanan, tilian, pag-iri, halinghing. At mula sa aming bintana, halos naaamoy ko sila. Malamig na maalat na makinis ang kanilang amoy.
At nangyari ang hindi ko inaasahan. Isa-isa silang tumayo. Tinubuan sila ng mga pakpak. At nahati ang kanilang mga katawan! Lumipad sila, Xerex. Lumipad sila. At hindi ko na nalaman kung ano pang ginawa nila.
Doon luminaw sa akin ang lahat. Ang mga babae sa porn sites. Ang blog ng mga tunay na lalake. Sila ang naghahasik ng lagim sa bansang ito! Sila ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng bigas, asukal, harina at petrolyo. Sila ang dahilan kung bakit nahahalal ang mga dating bold star at boksingero. Sila ang dahilan kung bakit may mga naliligo sa dagat ng basura. Sila ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Kris Aquino at James Yap. Sila si Cristy Fermin. Sila ang Salisi Gang. Sila ang drug abuse. Sila ang cable TV. Sila ang graft and corruption. Sila ang globalization. Sila ang terorismo. Sila ang Jueteng. Sila si Jovito Palparan. Sila ang mga Koreanovela. Sila si Willie Revillame. Sila si Joey de Leon. Sila si Jake Cuenca. Sila ang bumabakat na betlog ni Jake Cuenca.

Kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Napakabigat ng responsibilidad na nakaatang sa aking mga balikat. Ako ang magwawakas ng kanilang paghahasik ng lagim. Ako si Lapu-lapu. Ako si Lam-ang. Ako si Jose Rizal. Ako si FPJ. Ako ang Panday Kids. Ako si Wapakman. Ako si Bro Eli Soriano. Ako ang ABS CBN at GMA. Ako si Norman Wilwayco. Ako si Jesus. Ako si John Lloyd Cruz. Ako ang kabataan. Ako si Manny Pacquiao. Ako yung lalaki sa La Salle Sex Scandal. Ako si Chris Tiu. Ako si Boy Bawang.
Bawang. Tama, bawang. Kumuha ako ng bawang at dinala ko ang aming pantaktak ng iodized salt. Hindi. Dapat rock salt lang ang gamitin ko dahil baka tumalino pa ang mga putanginang to. Dahan-dahan akong lumakad Xerex. Dahan-dahan, para hindi mahalata ng kapitbahay namin. Bukas ang kanilang bintana. Meron akong madadaanan.
Madali akong nakapasok Xerex. Madali kong nalagyan ng crispy garlic bits ang mga katawan. Nilagyan ko ng rock salt ang bawat nahating katawan. Kiniskis ko pa. ETONG SA INYO MGA PUTA! MGA POKPOK! MGA SALOT SA LIPUNAN! HAHAHAHAHAHAHAHAHA (ang mga manananggal, Xerex. Hindi ikaw).
Yun lang po, Xerex. Sana nagustuhan mo ang sulat kong ito. More power and God bless.
LiL Zuplado