Wednesday, September 30, 2009

Mikey Arroyo: Tunay na Lalake (revision)


digs?

Gang Badoy: Tunay na Lalake


ang tunay na lalake ay:
  1. walang abs
  2. namimigay ng xanax at johnny walker para sa mga sinalanta ng bagyo
  3. nagpapaanak ng buntis gamit lang telepono at google
  4. kayang durugin sa debate si richard gordon.

galing dito ang picture. sa suggestion na rin ng tunay na lalakeng si mr. pudong.

Richard Gutierrez: Tunay na Lalake (revision)


malinaw na trabaho lang ang kanyang pagkahumaling sa ahas. napatunayan na ngayong tunay na lalake si richard dahil sinagip niya sa bagyo si christine reyes, at wala siyang pakialam sa mga nadaanan niyang ibang tao na nangangailangan ng tulong. heto ang detalye.


ayon na rin sa suhestiyon ni tunay na lalakeng si julius hermosura. galing dito ang picture.

Gawain ng Di Tunay na Lalake


ang pagdi-display ng abs, bagyo man o hindi, ay gawaing para sa di tunay na lalake lamang.


nahanap sa facebook ni tunay na lalakeng si paolo r.

Manny Villar: Tunay na Lalake (+10)


sa gitna ng unos, may oras ang tunay na lalake na mag-print ng pangalan niya at itapal ito sa mga packed meal, bago ipamigay sa mga nagugutom.


nahanap ni tunay na lalakeng jojo mendoza at rafael fenix.

Tuesday, September 29, 2009

Wala munang kung anu anong shit, TNL at DTNL...


Sa panahon ng krisis at kalamidad, ang Tunay na Lalake ay marunong din magbigay. Kaya pansamantala muna naming pinapawalang bisa ang rule# 3 - wala munang extra rice. Tunay na Tao muna tayo

Tiyak namin na hindi malayo sa inyo ang nagkalat na mga drop off centers. Dalhin nyo na mga tol. Kahit yang hawak mo wag mo nang paabutin sa bibig mo, dalhin mo na dun.

Glutton Surfer: Tunay na Lalake


...

Sino ang mas tunay na lalake?


vs.


Monday, September 28, 2009

Kung sino man ang gumawa ng facebook status na to: Tunay na Lalake



1. Malabong kausap ang tunay na lalake.
2. Kung gusto mo ng sensitive shit, huwag kang makipag-usap sa tunay na lalake.

I-click ang larawan para maging mas tunay na lalake ang view.
Pinadala nina tunay na lalakeng mikh signapan at floyd rodriguez.

Buddy Zabala: Tunay Na Lalake


ang tunay na lalake, nagbibigay ng kahon-kahong beer para sa mga biktima ng tunay na lalakeng bagyong ondoy.

galing dito ang picture.

Sunday, September 27, 2009

Gawain ng Tunay na Lalake


Alam ng tunay na lalake na kailangan yung payong para hindi mabasa ang yosi.

Thursday, September 24, 2009

Wanted: Barbero


"[Erap] was also very transparent, many times, to a fault. Against all well-meaning advice, he openly showed his anger and he answered questions from the media frankly and candidly. His show of indignation, whether righteous or out of his sensitive nature, earned him the ire of the powerful and influential media"

"Ang assurance ko lang ay puro totoo ang sasabihin ko dito kaya wala dapat ipangamba na magagawa-gawaan ako ng istorya"

"As no less than our Senate President has said, we are not perfect, we may have our flaws but certainly we are not criminals, and much less killers"

Akala namin magaling na kaming gumawa ng soundbite e.
Basahin ang balita dito.
Mula dito, dito at dito ang mga larawan.

Signage ng tunay na lalake



Nahanap ni tunay na lalakeng yuya ozeki.

Police Brutality: Gawain ng Tunay na Lalake



ang tunay na lalake ay walang paki-alam sa human rights, civil rights, at kung anu-ano pang shit.

Tuesday, September 22, 2009

Monday, September 21, 2009

Ultraman No Titi: Di Tunay na Lalake


Bagamat halatang-halatang wala siyang emosyon, taglay niya ang isang hindi makalalakeng pangalan. Idagdag pa ang pagsusuot niya ng kapa at spandex gayong hindi naman siya wrestler. At ang sinumang may utong sa gitna ng dibdib ay hindi tunay na lalake.

Sa tulong ni tunay na lalakeng masteru.

Floyd Mayweather: Under Consideration


Ito ang mga alam natin:
1. Mana sa ama sa kayabangan, sabay pa-humble effect sa post game
2. Hindi dumaan sa pagkabata
3. Ang tunay na lalake, hindi pretty boy
4. Ayaw magpatalo sa diskusyunan
5. Nasasabihan ng "malaki ka lang e"
6. Masel ang ginagamit na pansalag ng suntok
7. Nagretire pero joke lang pala
8. Kung anu-ano pang shit

Ano sa tingin niyo?

Saturday, September 19, 2009

Friday, September 18, 2009

Intel Inside: Di Tunay Na Lalake


Dahil ang Tunay Na Lalake ay hindi napapasok ng mga intel.

Orasyon ng Tunay na Lalake


Ang na Ang na
su la ki hin
su mas ki dot
mo ko mo ko

- Vic Sotto



Huwag bibigyan ng clue ang mga di tunay na lalake.
Ipinaalala ni tunay na lalakeng masteru.
Mula dito ang larawan.

Lucio Tan: Tunay Na Lalake

ang tunay na lalake ay:
  1. di nagbabayad ng buwis
  2. lumilikha ng mga lasong produkto at pinagkakakitaan ito ng malaki
  3. walang pakialam sa bayan
  4. maraming goons
  5. hawak sa bayag ang mga pulitiko
  6. kung anu-ano pang shit

galing dito ang picture.

Wednesday, September 16, 2009

Kris Aquino: Tunay na Lalake (Update)


1. Walang konsepto ng "too much information" ang tunay na lalake.
2. Ang tunay na lalake ang center of the universe. Lahat ng bagay may kinalaman sa tunay na lalake.
3. Kung gusto mo ng good listener, huwag kang makipag-usap sa tunay na lalake.
4. Kung anu-ano pang shit.

Good luck, Noynoy.

Mula dito ang larawan.

Hannibal Lecter: Tunay na Lalake


Hello, Clarice.

galing dito ang picture.

Tuesday, September 15, 2009

Addendum sa Manifesto ng Tunay na Lalake


Gawain ng tunay na lalake ang pag-aamok, pero hindi ganyan mag-amok ang tunay na lalake. Hindi rin ang pagkabura ng WoW account ang dahilan ng kanyang pag-aamok. Usually, nag-aamok ang tunay na lalake kung gusto niyang malaman kung sinong matapang.


Sa tulong ni tunay na lalakeng mach pach.

Ombudsman Merceditas N. Gutierrez: Tunay na Lalake

pilit pagtatakpan ng isang tunay na lalake ang mga katiwalian at kademonyohan ng mga ka-tropa niya. para sa isang tunay na lalake, barkada muna bago ang bayan.

dito galing ang nakaka-asar na picture.

Gawain ng Di Tunay na Lalake

Dahil ang Tunay na Lalake ay laging may tunay na Maria.


mula kay tunay na lalakeng si Terry R. kuha ni Henrie E.

Monday, September 14, 2009

Kanye West: Di Tunay na Lalake (revision)


Barumbado, bastos at walang modo ang tunay na lalake. pero kailanman, hindi humihingi ng tawad ang tunay na lalake, lalo na sa mga chicks. heto ang kanyang sorry.

Kanye West: Tunay na Lalake


kumpleto man ang abs ni Ginoong West,
hindi naman siya maginoo
ang tunay na lalake ay modelong douche bag

mula dito ang larawan

Danilo Suazez: Tunay na Lalake

ang tunay na lalake ay:
  1. bagamat hindi dapat nagbabayad ng bill ang tunay na lalake, mapapalampas natin ang gawain niyang panlilibre sa presidente (at mga alalay nito), ng isang hapunang umabot ng $15,000. tutal, hindi naman sa sariling bulsa niya galing.
  2. walang pakialam sa mga kababayan niyang nagugutom. sariling paglamon lang ang iniisip ng tunay na lalake.
  3. magaling mag-isip kung paano pagkakakitaan ang kanyang kapwa, tulad halimbawa ng text tax.
  4. kung anu-ano pang shit.

galing dito ang punyetang picture.

Jose Marc Flores Pereira: Tunay na Lalake


Ang tunay na lalake, kayang mang-hijack ng eroplano gamit ang lata ng juice.

Dito galing ang balita at larawan.

Friday, September 11, 2009

Lee Soledad: Tunay na Lalake


Sing to the tune of Betamax by Sandwich:

Wala pa nung Sago, wala pa nung Salabakuta

Wala pa nung The brockas

Wala pa nung Lourd De Veyra at Khavn Dela Cruz

Wala pa nung RA Rivera

Wala pa nung Bookay

Wala pa ring Hay!men! o TNL blog

MERON LANG, LEE SOLEDAD!

DIGS?


Thursday, September 10, 2009

Wednesday, September 9, 2009

Hay!Men! sa 2010


Alam niyo po, sa totoo lang, marami na ang kumausap sa amin, naglalayong kumbinsihin kami upang tumakbo bilang kinatawan ng sambayanang Filipino.

Pinag-iisipan po namin, pero hindi pa talaga kami nakakapagpasya. Sure, may mga hirit kami tungkol sa mga isyung pampolitika, pero joke lang yun, ano ba. Nagpupunta kami sa iba't ibang lugar para magbigay ng speech, pero pffffft, wala yun, hobby lang namin yun. Tsaka ewan ba namin kung bakit bigla na lang umatras sa kandidatura yung kapartido namin nung magkausap kami. Nag-usap lang naman kami tungkol sa horoscope namin para sa araw na yun. Bakit yan ang title at image na nilagay namin sa post na ito? Wala lang, ang ganda kasing tingnan.

Kailangan pa ho naming padaanin sa mahaba-habang inuman at maboteng usapan itong hinihiling ninyo sa amin. Huwag ho niyo sana kaming madaliin. Hindi kami ang may gusto nito. Dahil ano ba, ayaw nga naming tumakbo. Ang kulit niyo. Wala pa ngang 2 million ang page views namin e. Hindi kami atat maging party list representative.

Magbibigay na lang kami ng announcement kapag mas maganda ang timing. Siguro sa Pasko, o kaya sa Valentine's Day. Steady lang kayo.

Tunay na Lalake Wonders of the World vol 2



Kuha naman ni tunay na lalakeng paul edgard dicen sa united arab emirates.

Monday, September 7, 2009

Now Showing: Ang Sundalo sa Breakwater


Umaatikabong brokebackan! Este bakbakan!
Starring Brig Gen Marciano Ilagan and Mr. Bangkero Man!
Theme song by K and the Boxers!
Nood na!


Sa tulong ni tunaynalalakeng edik dolotina.

Have a break.


Have a Susu Lovin. Mapapatigil ka sa sarap.

Hapi bertdey, tunay na lalakeng bryan balangue.