Parang, ni Mesandel Arguelles
dahil ang Tunay na Lalake
madalas sa Marikina
o0o
Gerilya, ni Norman Wilwayco
dahil ang Tunay na Lalake
mahilig sa gera
o0o
A-Side / B-Side, ni Vlad Gonzales
dahil ang Tunay na Lalake
paulit-ulit magsuot ng brip
o0o
...And The Geek Shall Inherit The Earth, ni Carljoe Javier
dahil ang Tunay na Lalake
may espesyal na relasyon
sa panti ng teenstar na binibilad
sa kabilang bahay
o0o
Dissonant Umbrellas, ni Angelo Suarez
dahil ang Tunay na Lalake
kulay purple ang salawal
sa sobrang dami ng tae sa puwet
o0o
Smaller And Smaller Circles, ni F H Batacan
dahil ang Tunay na Lalake
mahilig sa pasikip nang pasikip
na mga bilog
o0o
Salamanca, ni Dean Alfar

dahil ang Tunay na Lalake
pantasya ng bayan
o0o
Walong Diwata ng Pagkahulog, ni Edgar Samar
dahil ang Tunay na Lalake
nanghuhulog lang ng babae
kung saan-saan
o0o
Ultraviolins, ni Khavn
dahil ang Tunay na Lalake
mahilig sa sobra-sobrang gulo
kahit di niya alam kung paano
baybayin ito sa Ingles
o0o
Chiaroscuro, ni Joel Toledo
dahil ang Tunay na Lalake
black-&-white ang pagtingin sa mundo
o0o
Dagta, ni J Luis Camacho
dahil ang Tunay na Lalake
mature ang laman
o0o
the El Bimbo Variations, ni Adam David
dahil ang Tunay na Lalake
eksperto sa maraming estilo