Thursday, April 30, 2009

Mga Mastermind na Kontrabida: Di Tunay na Lalake




Dahil ang tunay na lalake, palaging alam kung nasaan ang epektos.

(Salamat sa tropa ni Merchant of Menace na si Alex M. sa suggestion)

Mideo M. Cruz: Hindi tunay na lalake.

Ang tunay na lalake ay hindi natutulog.


Ang tunay na lalake ay may tae sa brief pero hindi tae at kung anu-ano pang shit na may brief. At higit sa lahat hindi nag-sisimba.

Addendum sa Tunay na Lalake Manifesto

Hindi lahat ng may tae sa brief ay tunay na lalake.

1. ang Tunay na Lalake ay hindi nagsusuot ng brief sa ulo.
2. ang Tunay na Lalake ay hindi nagsusuot ng brief na may tae sa ulo.
3. ang Tunay na Lalake ay hindi nagsusuot ng brief na may tae sa ulo para masabing tunay na lalake.

Carlo Ople: Tunay na Lalake


Ang tunay na lalake, walang ginawa buong araw kundi kumain, mag-internet, at maglaro ng video games, dahilan kung bakit hindi siya natutulog. At tunay na lalake lang ang kayang umubos niyang dambuhalang ulang na 'yan, tapos kainin pa 'yung pakwan at lansones na nasa mesa. Isama mo pa 'yung mesa putangina.

Dirty Dozen: Tunay na Lalake

Ang Dirty Dozen ay:
1. Mahilig sa karahasan.
2. Mahilig sa digmaan.
3. Mahilig sa chicks.
4. Mahilig sa alak.
5. Mahilig sumuway sa rules.
6. Mahilig pumatay.
7. Handang mamatay para sa kapwa tunay na lalake, sa makalalakeng paraan.
8. Walang pakialam sa kalinisan, environment, at kung anu-ano pang shit.

Gawain ng Tunay na Lalake: Hindi Pumatol sa Online Hate Shit


Ang tunay na lalake, hindi pumapatol sa online hate shit. Mas trip niya ang karahasan. O kaya manood ng wasak na upakan tulad ng laban ni Chuck Norris at Bruce Lee.

Wolverine: Di Tunay na Lalake


Ang tunay na lalake ay 'di nangangalmot


at kapag siya ay tinangkahang kalmutin sa likod ng isang tunay na babae


one step ahead na s'ya


-sic'u-


images from:
http://www.pjlighthouse.com/wp-content/uploads/2007/10/wolverine-marvel-huge-jackman.jpg
http://www.comicsbulletin.com/news/images/0806/Wolverine_66_SecondPrintingVariant.jpg
http://img34.picoodle.com/img/img34/4/6/15/f_xmenm_2647ba2.jpg
http://img.photobucket.com/albums/v636/JMPTX/thunderdome/Week%2046/Group%20B/GambitRogue.jpg

Dwight Howard: Di Tunay na Lalake

Dahil bagaman katangian ng pagiging tunay na lalake ang malakas rumebound at magaling dumepensa, hindi nagpapahuli ang tunay na lalake kung gusto niyang maniko sa basketbol court. Nananahod lang.

At putangina namang pusisyon kasi 'yan, mehn.

PMA: Under Consideration


Bagamat ang institusyong ito ay naghahasa sa mga tunay na lalake upang manggulpi, mang psywar, mantorture, bumalahura sa mga 'di tunay na lalake at gumawa ng iba't ibang gawain ng mga tunay na lalake...

Ang tunay na lalake ay hindi magpo-promote at magre-recruit ng mga kasapi sa pamamagitan ng 'di tunay na lalakeng palabas na ito:



DoTA Players: Under Consideration

Tulungan niyo kaming magpasya:

Sa isang banda, ang tunay na lalake, hindi natutulog, hindi nagugutom, hindi naiihi. Hindi rin nagtetext back ang DoTA players kapag bising bisi sa pagpipingger ng keyboard.

Pero kahina-hinala ang lalakeng ilang oras na nananatili sa isang kuwarto kasama ang iba pang lalakeng pinagpapawisan at maya't maya'y sumisigaw ng "GG ka boi!".

Ano sa tingin niyo?

Trabaho ng Tunay na Lalake: LUMPEN

Ang Ultimate Goal ng pagsunod sa Manifesto ng Tunay na Lalake ay maging isang ganap at Tunay Na Lalake.



( Si DK ay humihingi ng lalakeng paumanhin at pasasalamat sa tunay na lalakeng nasa larawan..Di niya alam ang URL na dapat i-acknowledge sapagkat ito ay nakuha niya lamang ng aksidente sa "My Pictures" ng isang desktop sa isang internet cafe...Ang larawan ay inayos upang itago ang katauhan ng tunay na lalake sa larawan. -DK )

Digs!


Ang tunay na lalake, may email na. Lahat ng hate shit ninyo sa mga tunay na lalake, lahat ng hamon ng basagan ng mukha, lahat ng application para maging tagahugas ng pinggan, labandera ng brip na may tae, hot chick na roromansahin sa bawat gabi ng linggo (huwag kalilimutan ang litrato, full body at head shot,) lahat ng gustong i-nominate sa pagkatunay o di-tunay na lalake (with appropriate pictures attached din,) lahat ng tanong tungkol sa pagkatunay na lalake, lahat ng maisip ninyong shit, huwag lang 'yung tungkol sa pera (unless bibigyan ninyo kami) o sa putanginang emo shit ninyo-- puwede na ninyong ipadala sa tunaynalalake@gmail.com.

Digs?

Chito Miranda: Di Tunay Na Lalake



Dahil nilabag n'ya ang ika-10 sa manipesto (Ang tunay na lalake ay 'di nagsisimba) sa pamamagitan ng pagsali sa isang parokya:




-sic'u-


images from:
http://i176.photobucket.com/albums/w168/deothenes21/parokya_ni_edgar_chito.jpg
http://www.regalfilms.com/newshop/pic_upload/CD941178-thumbnail-thumbnail.jpeg

Jeepney Driver: Trabaho ng Tunay na Lalake


Ang tunay na lalake may iba pang nasa isip maliban sa trabaho:



-sic'u-

photos from:
http://farm1.static.flickr.com/26/49689500_9b7592ab7c.jpg?v=0
http://media.photobucket.com/image/basta%20driver%20sweet%20lover/wexistence/Signs/jeepney2.jpg

Neil Gaiman: Di Tunay na Lalake


Sapagkat ang tunay na lalake ay 'di gagawa ng mga akdang pamagat ay Anansi Boys at Fragile Things

-sic'u-


photos from:

http://www.sesc.k12.in.us/Cass/Courier/Class%20of%20%2710/Nikki%20Hall/Pictures/Gaiman.jpg

http://cdn.harpercollins.com/harperimages/isbn/large/5/9780060515195.jpg



Bodjie and the Law of Gravity: Di Tunay na Lalake

ang tunay na lalake, hindi kakanta ng "sana dalawa ang puso ko". ang tunay na lalake, walang puso.

Pancho Villanueva: Under Consideration


Bagaman nagampanan niya ang kabaliktaran ng Apa Ongpin rule (ang tunay na lalake, iniiwan ang shitty high-paying corporate job para magpinta full-time,) ang tunay na lalake naman ay hindi nagpipinta ng artsy symbolic shit tulad nito: 


Lav Diaz: Under Consideration


Bagamat miyembro siya ng tunay na lalakeng bandang The Brockas at bigotilyo siya, ang tunay na lalake ay hindi mahilig sa mahahabang.....pelikula.

Sa halip, siya ay nagdidirihe ng mga pelikulang hitik sa umaatikabong dyugdyugan at madugong bakbakan na pinagbibidahan ng mga tunay na lalake.

(galing kay Master DK)

Tunay na Lalake Heads Up Battle: Omega Supreme vs. Dick Israel


Si Omega Supreme ay Tunay na Lalake dahil:
1. Naghuhumindig
2. Pangalan pa lang, malaki na ("Omega" na, "Supreme" pa)
3. Isa siyang transformer na nagpapalit-anyo mula higanteng robot patungong higanteng nag-aapoy na ari

Samantala...Si Dick Israel na kakalaban kay Omega Supreme ay Tunay na Lalake Dahil:
1. Isa siyang Dick na palaging rapist o mamamatay-tao sa mga pelikula
2. Pag sinabihan siya ng direktor, handa siyang manggahasa ng kahit na ano--pati mga higanteng robot na nagiging ari

Addendum sa Manifesto ng Tunay na Lalake


Isa pang patunay na ang tunay na lalake ay hindi dumadaan sa pagkabata.

(galing kay Master DK)

Brad Pitt: Di Tunay na Lalake

ang tunay na lalake ay hindi nagpapalda, maliban na lang kung bagong tule.

Barney Stinson: Under Consideration


Bagaman sa unang tingin ay digs na na si Barney ng How I Met Your Mother ay tunay na lalake, under consideration siya dahil:

1. Ang tunay na lalake hindi nagiging bida sa isang musical. O kahit kontrabida. Bida, kontrabida, what's the diff, mehn?

2. Malinaw sa litrato na may kakaibang relasyon siya sa best friend niya bilang si Doogie Howser. Ang tunay na lalake walang best friend.

Jun Lozada: Under Consideration


Bagaman kuwestyonable ang pagpapakupkop niya sa mga taong-simbahan (rule #10) noong una siyang nagsalita, at ang kanyang pagiging star witness (ang tunay na lalake papayag lang matawag na star kung "rockstar" o "pornstar" ang katagang ikakabit sa kanya,) bumabawi na si Jun Lozada ngayon dahil ang tunay na lalake, hindi takot sa bilangguan.

Chairman Mao: Tunay na Lalake


Bagamat mahilig siya sa matingkad na pula, di naman niya ikinahihiyang panot siya...wala siyang abs at naniniwala siya sa kultural na REBOLUSYON!

(galing kay Master DK)

Robert De Niro:Tunay na Lalake


Bukod sa trabaho ng tunay na lalake ang pagiging taxi driver, dagdag pa rito na ang tunay na lalake, kapag nabitin sa sex drive, binabawi sa violence.

Addendum sa Tunay na Lalake Manifesto

isa sa mga tipikal na terminologo ng lahat ng tunay na lalake ang salitang "Wasak!"

Wednesday, April 29, 2009

Chris Tsuper: Under Consideration

REVISION: Otomatik yan, balasubas ang tunay na lalake. Pero dahil sa kung anu-anong shit na inilista ng mga nagkumento, pinag-iisipan ngayon kung sapat na ba ang pagkabalasubas na ito upang maituring talagang tunay.

Tiger Balm: Tunay na Lalake

Tunay na Lalake, nagpabango ka na ba?


Nick Carter: Di Tunay na Lalake


Ang tunay na lalaki, naghuhubad* kapag nauulanan.

*sa makalalakeng paraan

Anti-Drug Shit: Di Tunay Na Lalake


Dahil ang tunay na lalake ay hindi pipigilan ang mga gawaing nakapagpapaligaya sa mga tunay na lalake.

Godzilla: Tunay na Lalake

Dahil ang tunay na lalake, malaki.

Alfred Yuson: Under Consideration



Ang tunay na lalake, sa makalalakeng paraan lamang kumakagat ng labi. Isa pa, bagaman pangtunay na lalake ang kanyang amoy at tunay na lalake lamang ang makakasulat ng nobelang singlupit ng "Great Philippine Jungle Energy Cafe," kaduda-duda ang mga aklat niyang may mga pamagat na "Trading in Mermaids" at "Mothers Like Elephants." Ang tunay na lalake, walang sirena maski pang-trade, at di alam ang gusto ng sariling nanay -- elepante man o iba pang shit.

Leo Martinez: Tunay na Lalake


bagamat nakasuot siya ng bulaklaking polo, madali niyang napangibabawan ang kahinaang ito dahil siya si Indecent Professor.

Mr. Pink: Di Tunay na Lalake


Ang tunay na lalake, hindi papayag na tawagin siyang "Mr. Pink" ng bossing niya.


(galing kay Master DK)

Miriam Defensor Santiago: Tunay na Lalake



1. Ang tunay na lalake, nag-aalmusal ng death threat (may extra rice)


2. Nagsisinungaling tapos tatawa nang malakas


3. Handang pumakyu anytime, kapag may kumilos nang masama (tingnan ang larawan)

Yoko Ono: Tunay na Lalake

Bagamat ayaw niya sa violence at hindi din kumakain ng karne katulad ni Gandhi na isang di tunay na lalake, napangingibabawan pa rin ang katotohanang ito ng Rio Alma Rule ng pagakatunay na lalake na nagsasaad na ang sinumang kamukha ni tulfo ay isang Tunay na Lalake.

Addendum sa Tunay na Lalake Manifesto


Ang tunay na lalake, hindi nale-late. Ang tunay na lalake basta hindi na lang dumarating kapag sa tantsa niya e male-late na siya.

Addendum sa Manifesto ng Tunay na Lalake


Ang tunay na lalake hindi gumagamit ng eucalyptus shit para mabawasan ang sakit ng ulo. Ang tunay na lalake, mas gusto ang nasasaktan.

(galing kay Master DK)