Sunday, September 6, 2009

Alamat

Noong unang panahon, wala pang pan de coco. Monay, at wala nang iba pa ang meryenda ng mga tao. Araw gabi nilang kinukulit ang panaderong si Coco. Coco! Kailan ka ba gagawa ng bagong klase ng tinapay? sabi nila. Nagsasawa na kami sa kakakain sa monay mo! dagdag pa nila.

Huwag mong iisipin na hindi masarap ang monay ni Coco. Malambot ito at mainit, masarap ilagay sa bibig. Dinarayo ito ng mga tao mula sa iba't ibang panig ng daigdig, pati na rin ng mga taga-Japan. Kahit ang mga sikat na artista, hindi mapigilan ang sariling pumunta sa panaderya ni Coco para bumili ng monay. Noong isang araw, dumaan si LA Lopez para bumili ng limang balot ng monay ni Coco. Dumaan rin si Lotlot de Leon, tsaka si Onemig Bondoc. Kani-kanina lang, bumili ng monay kay Coco si Lady Lee.

Kaya lang, gaya ng anumang video nina Stoya o Maria Ozawa, darating rin ang panahon na pagsasawaan mo ang monay ni Coco, at maghahanap ka ng iba. Ganoon ang nangyari sa mga taga-San Roque. Nasasarapan man sila sa monay ni Coco ay nagsasawa na rin sila. Gusto nila ng bagong klase ng tinapay. Kulay pink o brown, mahaba o mataba, baliko o makeso, malarosas o amoy Lactacyd, matambok o nakatayo, kahit ano, basta bago.

Labis itong ipinagdamdam ni Coco. Ibinuhos niya ang kanyang buong buhay sa paglikha ng secret recipe ng kanyang monay, at ngayon, nagsasawa na ang mga tao dito. Lumuluha niyang hinaplos ang kanyang mga monay. Pasensiya na kayo. Marami kayong napaligaya, pero dahil sa law of diminishing marginal utility, kailangan ko nang gumawa ng bagong klase ng tinapay. Hindi siya sigurado, pero tila namula ang kanyang mga monay sa kanyang paghaplos.

Kinabukasan, hindi nagbukas ang panaderya ni Coco. Nag-usap-usap ang mga tao. Maingay sa kanyang panaderya, ano kayang ginagawa niya? sabi nila. Isa sa kanila ang nakaisip ng paliwanag: Siguro, gumagawa siya ng bagong klase ng tinapay! At nagpalakpakan ang lahat. Malungkot namang umuwi si Britney Spears, na bibili sana ng monay. Pagdating niya sa bahay, tumingin siya sa salamin at nagsabing "The girl in my mirror, the girl in my mirror, is me."

Lumipas ang maraming gabi, ang maraming araw. Nagtataka na ang mga tao dahil hindi tumitigil ang paggiling at paghalo at pagbate sa loob ng panaderya ni Coco. Ni hindi siya natutulog! Ni hindi siya kumakain! sabi nila.

Isang araw, tumigil ang mga tunog. Sarado pa rin ang panaderya, pero bukas ang pinto sa likod nito. Sumilip ang mga tao, at nakita nila si Coco, nakahandusay sa harap ng pugon, lagot ang hininga. Nagkagulo ang mga tao. Hindi nila alam ang gagawin. Hanggang sa mapansin ng isa sa kanila ang mga tinapay sa mahabang mesa ni Coco. Dahan-dahan silang lumapit. Tinikman nila ang tinapay. Kakaiba ang tinapay na ito, may palamang manamis-namis, at halatang nagmula sa niyog! sabi ng isa. Mabuhay si Coco! sabi nila. Mabuhay! Mabuhay!

Nang matapos ang sigawan, sinabi ng isa sa kanila: Utang natin ito kay Coco. At dahil diyan, tawagin natin itong

"Coco Jam".

9 comments:

  1. Ang coco jam ay isang palaman at hindi isang tinapay.

    Yes! I give a damn!

    ReplyDelete
  2. haha. wasak na wasak ka nanaman yol! :D pero, mas wasak tong nagcomment sa taas. sarap batuhin ng coco jam. haha

    ReplyDelete
  3. LA Lopez + law of diminishing marginal utility + video nina stoya o Maria Ozawa + paggiling at paghalo at pagbate + mga taga-Japan + San Roque = wasakan fun

    dapat ito na 'yung ituro sa elemntarya. digs!

    ReplyDelete
  4. hahhaa..
    Digs!
    Pero yung unang comment... Kulang sa Coco Jam!

    ReplyDelete
  5. Ponyeta bakit nagmamigrate lahat ng post ni Jamendang dito??!!

    ReplyDelete
  6. ang slow na unang nag comment, susunod wag ka nalang mag comment napaghahalata kang tanga ahahahaha

    ReplyDelete