Gago Boys Jeepney Tour: Tour ng Mga Tunay na Lalake
Bagamat mga boys sila sa Tour na to, napangingibababawan naman ito ng katotohanang sila'y mga Gago. Dahil ang Tunay na Lalake, Gago. Kahit pa bata o isip bata, basta gago, tunay na lalake. Digs?
Larawan mula dito: http://tinypic.com/view.php?pic=14wvck6&s=5
Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
Ang tunay na lalake ay walang abs.
Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
Oo, kaya ilagay niyo sa bago niyong post na ang mods ng blog na ito ay TNL dahil gago din.
ReplyDelete^given na bro. digs?
ReplyDelete