Wednesday, May 6, 2009

Tom Araya: Tunay na Lalake


Bagamat nag-falsetto sa intro ng "Angel Of Death"...
Napangibabawan parin ito ng kanyang
pagiging mahilig magmura,
'di pagsisimba,
'di pagiging miyembro ng Hale at Sponge Cola,
'di pagsusuot na makukulay na sapatos tulad ni Raymund Marasigan,
'di pagsubo ng mic tulad ni Jay Contreras (dahil ang mic ay ginagamit niya upang lalong marinig ng lahat ang kanyang pagmumura),
'di pagkakaroon ng 'di tunay na lalakeng gupit ng buhok tulad ng kay Rico Blanco,
at hindi tumutugtog sa ubod ng 'di tunay na lalakeng mga pa-concert ng Pulp tulad ng Freakshow at Summerslam

17 comments:

  1. titigan maige ang litrato!. . ganyan ang tamang pag turing sa mic hnd ung hinhiwakan pasubo sa bunganga TNL yan digs!

    ReplyDelete
  2. pano yung tado rule? e long hair tong si ser tom araya? sana malinaw ang loop hole na ito sa mga susunod na addenda. pag metalhead , tas long hair, pano yun?

    -isobel. asexual.

    ReplyDelete
  3. dapat pati si Kerry King ihanay dito dahil sinusunod nya ang TNL Manifesto No. 10

    ReplyDelete
  4. mga miyembro ng slayer - lahat TNL!

    Pati PANTERA!!

    ReplyDelete
  5. relihiyoso at katoliko daw si Tom Araya, trabaho lang ang kanyang ginagawa.
    samakatuwid, hindi rule#10 ang kanyang sinusunod kundi ang "John Lloyd" rule

    ReplyDelete
  6. ^ PAntera? Ang tunay na lalake ay hindi dumadaan sa pagka-glam rock.
    -DK

    ReplyDelete
  7. Oo inamin nila ang mga lyrics nila ay talagang trabaho lang. Dahil pinaghihinalaan silang mga Nazi sa kantang Angel of Death.

    Gayunpaman, TNL na TNL ang bandang Slayer. Dahil kahit daw ang diyos nakikinig sa kanila.

    http://www.nationaldayofslayer.org/slayer/god_listens_to_slayer.jpg

    ReplyDelete
  8. ^Digs! Salamat nga pala sa lahat ng peeps at kapatid sa filipinometal.com at sa mga tunay na lalakeng gumawa dun ng "tunay na underground thread".

    ReplyDelete
  9. He who lives by the sword...

    DIE by the SWORD!!!

    Taena TNL na TNL!

    ReplyDelete
  10. \m/ SLAYER in the house

    ReplyDelete
  11. ^tama, kahit na ba trabaho, TNL parin sila. Mas TNL pa sila kesa sa Metallica hahahah

    ReplyDelete
  12. \m/ Slayer!!

    ^sama nyo na rin ang Pantera. Dumaan nga sila ng Glam noong una sa 80's pero ang sabi ni Vinnie Paul ay,"these magic clothes don't play music, we do" kaya pagpalit na sound nila Wasak na wasak tulad ng Slayer!!

    Tska ang mga lyrics pa nila ay puro digmaan at laging may away!

    ReplyDelete
  13. Kaso nga lang, ginaya lang ng Pantera ang Exhorder. FAIL.

    ReplyDelete