Sunday, May 10, 2009

Online Pinoy Weekly: Tunay na Lalake

Dahil ang Tunay na Lalake,
Pinagbebenta ng Dyaryo ang Bata.
Digs?


Photo Credits: Online Pinoy Weekly

http://risingsun.dannyarao.com/2007/11/14/isang-diskurso-sa-pagpapakamatay/

68 comments:

  1. What a retort!

    ReplyDelete
  2. chineck ko 'ung link. tungkol sa batang nagpakamatay 'ata dahil sa hirap. ang TNL may solusyon sa kahirapan: magbenta ng dyaryo. hahaha! wasak!

    ReplyDelete
  3. Yan. Yan ang tunay na lalaki. Pinapanindigan ang nauna nang binitawang salita. Ayos! Lalaki ka talaga. Teka, satirikal pa ba yung pilosopo? Yung tirang pikon? Ewan.

    ReplyDelete
  4. grabe. dahil sa pagpuna ni danny arao, eto ang sagot ninyo?

    ReplyDelete
  5. Paano ba i-satire ang "cheapshot"?

    ReplyDelete
  6. mula sa blog ni mikael:
    "Sa internal manifesto ng posters ng Hay! Men!, dalawa lang ang rules: Una, Humor is king. Ikalawa, No hate shit. Aminadong minsan nalalabag 'yan; minsan kami mismo nakokornihan sa post; minsan naman-- bilang mga taong lublob din sa sari-sariling milieu, nalilimot ang ikalawang rule. Sabi nga ng isa sa mga poster, "Pare if it doesn't work, e di it doesn't work. Digs na 'yun."

    Pero palagi, ang intensyon ay ipareassess ang bounds ng masculinity sa ngayon. At 'yung bounds na 'yun-- ang dominant world-view lalo na dito sa atin ngayon-- ay ang lalakeng may abs, malinis ang brip, prim and proper, etc. Ang lalakeng middle class na walang pakialam sa kahit ano pa mang pinaniniwalaan nating sa tingin natin ay "progresibo," kahit sa isip lang.

    Kung masilip niya ang blog at mareassess ang sarili niyang posisyon ng pagkakabaon sa milieu niya, ituturing ko nang tagumpay iyon. Kung kikilalanin ang masculinity bilang construct, tagumpay 'yun. Kung lilitaw ang ilang mga pahayag na magpapatunay lang na pati homosexuality at feminism ay mga construct din na may hegemonic, oppressive tendencies, mas lalong tagumpay iyon"

    so paki-explain mikael, asan yang mga yang pinagdadakdak mo sa blog na ito? asan?

    ReplyDelete
  7. ibinalik naman pala e..
    bakit nagiging seryoso na ata ang mga tao? may nagbago ba?




    --kalayaan

    ReplyDelete
  8. ang 'sablay' ay hindi minor glitch sa utak ng tao. ibig sabihin, internally may mali, digs mo? so kung hindi nagwork out e di ibig sabihin failure 'to? gusto pa kasing bigyang dahilan ang mga bagay, ipagtanggol ang sarili. kung sabagay, tagumpay talaga itong blog, na iexpose ang sariling ka-macho shetan ng mga gumawa dito. yang milieu na ginagalawan ninyo.

    ReplyDelete
  9. Sabi sa showbiz, even bad publicity is still publicity. Swerte namin, dahil numero unong blog daw ito, pinagmamayabang mismo nila! Hayaan na nating "cheapshot." Publicity pa rin. Yehey!

    ReplyDelete
  10. ^malapit na kong sumangayon sayo chong. ka shitan nga tong post na to.

    ReplyDelete
  11. tsk tsk. below the belt ang tira. ano ba yan.

    ReplyDelete
  12. anonymous 9:02pm
    malapit na kong sumangayon sayo chong. ka shitan nga tong post na to.

    ReplyDelete
  13. nagtataka lng ako kung bkit ang daming KJ sa mundo..

    humor blog nga eh.. walang seryosohan.. trabaho lang.. (see John Lloyd Rule )

    Bakit kaya mxadong affected yung iba sa mga posts d2 nung tao.. Cguro kung tlgang tnatamaan kayo at hindi niyo kayang maki ride-on sa humor, edi wag nlng kayo magbasa dba.. gawa kayo ng srili ninyong blog like "I hate my life" or "ang tunay na KJ"

    nuff said.. kung dmo nagets, d ka tunay na lalake (Ang TNL lng ang nkkintindi sa kapwa TNL)
    at kung tunay kng lalake dka na nagtatanung kung bakit- OB GYNE rule (deleted post)

    ReplyDelete
  14. so mikael, pakipaliwanag sa nag-comment na ito^^ kung humor lang ba ang habol ninyo? o baka nagpapanggap ka pa ring may liberative purpose ang blog na ito?

    ReplyDelete
  15. ang tunay na lalake hindi nang hahasel ng kapwa nya tunay na lalake.

    ReplyDelete
  16. Perfecto "Tat" Sengcal-AbaoMay 10, 2009 at 9:44 PM

    Pwede ba... panghassle sa masel e.

    Simple lang ang puwedeng reconciliation point: ISANG SPACE OF DISCOURSE ang blog na ito. Pwede nating sabihing "melting pot of ideas," samakatuwid mag-iiba-iba talaga ang ideya ng pananaw ng mga tao dito, kung paanong ang isang klase ng pagpipinta na may iisang modelo ay may iba't ibang perspektibo para sa bawa't isang mag-aaral. Hindi pupwedeng magsabunutan ang bawa't estudyante at sumailalim sa iisang pananaw, kasi iba't-ibang punto de bista ang pinagbubuhatan nila. Kasing-imposible (o sing-hirap tamuhin) na maging BEC ang lahat ng tao sa iisang punto sa space. (Tang-ina bakit ako nagpasok ng science term...) O para mas simple, na ang lahat ng tao ay okupahin ang isang lunan nang sabay-sabay.

    Mababaw at talagang mabubutasan ang argumentong "di mo lang digs" o "wag ka na lang magbasa" at pati "pakyu hindi ikaw ang audience namin," at ang mga kagaya nito. Sapagka't ang blog ay masasabing bahagi ng *public domain*, lahat ng bagay ay maisasailalim sa sari-saring pananaw.

    Wala dapat sisihan, pero wala rin dapat magsasabi ng tama at mali. Hindi ito alam ng mga may-akda pero natural itong aktibidad sa isang construct na Pluralista kagaya ng internet at, sa micro level, ang blog.

    Kagaya nito. Walang makapagsasabing tama o mali ako liban sa mga taong kalas sa konteksto nating lahat. In short, sabi nga ni Rizal, "mahuhusgahan lamang tayo kapag wala na tayong lahat dito."

    ReplyDelete
  17. tama man o mali yung sinabi mo Tat, digs na digs ko yan.

    ReplyDelete
  18. pero sa salimbayan ng mga pananaw, kelangang pumanig ka. hindi naman usapin lang ito ng mga pananaw na na na ito ay taglay ng mga taong may kanya-kanyang interes. at anung interes ang namamayani? ang pluarlistang pananaw, ay in itself, isa sa mga pananaw na nakikipagtagisan.

    ReplyDelete
  19. Alam nyo mga parekoy, isawalang-bahala nyo na mga ampalaya nyong kritiko (digs?). Walang bumibista sa website ng PinoyWeekly kaya wag na pasikatin. May link pang nilagy si Kenneth Guda ng PW, wag nyo na i-click ha.

    ReplyDelete
  20. Perfecto "Tat" Sengcal-AbaoMay 10, 2009 at 10:36 PM

    Kay Anonymous, May 10, 2009 10:07 PM:

    Natural. May tagisan talagang mangyayari kasi nga isa itong space of discourse. Marahil tunog fence-sitting ang sinasabi ko, pero sa totoo lang ang ibig kong sabihin hindi natin dapat iwaksi ang pagsasalita.

    Mahirap kasi sa kaso natin, lalo't kasama natin ang mga lumpen na kakosa, ay masyado silang galit sa pulitika. Itinuturing nilang di-makalalake. Pero kung panglalakeng gawain ang pilosopiya, hindi mo maiiwasang maging bahagi nito ang pulitika. Isang pananaw itong sinabi ng mga addenda ng Manifesto ng TnL, at pinanghahawakan ko din ang pananaw na iyon.

    Walang makapagsasabi sa atin kung sino ang tama at mali, sapagka't sa totoo lang e wala talagang makakalabas sa konteksto niya para husgahan kung sino sa kanila ang tunay na tama at mali. Ang magagawa lang natin ay panghawakan ang pinaniniwalaan nating tama.

    Kailangan talaga ang espasyo na gaya nitong Hay!Men! para magbatuhan tayo ng opinyon, paniniwala at libog. Hindi ko sinasabing ito lamang ang paraan, maraming posibleng mangyari, pero hindi natin dapat ilublob ang ating mga sarili dito. Personal pero mas lalong impersonal ang online identities, kaya dapat kalas pa din tayo dito.

    At inaasahan ko na rin ang dagdag pang bato ng mga kakosang "pakshit kayong mga intellectual nagkakatuwaan lang kami dito leche!" Mga bords, sapakan na lang: batas din ng tunay na lalake ang survival of the fittest, at tanging ang makakagamit lang ng lahat ng kabuuan niya ang mananatili.

    Malamang mali rin ako, pero sinong makakapagsabi na mali nga ako na ang ginagamit ay di ang sarili niyang pananaw kundi ang pananaw na labas sating lahat?

    ReplyDelete
  21. Hahaha! Uy, ang pikon, di tunay na lalaki. Kool lang lagi, tama ba? I'm enjoying this!

    ReplyDelete
  22. Hindi ko kaya mag baybay sa tagalog sa lebel ni Perfecto "Tat" Sengcal-Abao pero gusto ko lang sabihn na digs ko ang posisyon niya.

    ReplyDelete
  23. of course, digs mo ang pluralistang pananaw kasi ina-accommodate niya ang pananaw mo. pero ginoong tats, nauunawaan ko kung saan kayo nanggaling pero hindi po ako sumasang-ayon. at ayon na rin s ainyong pananaw, tatanggapin ninyo ang di ko pag-sang-ayon. pero hanggang saan ba ang tolerance sa diskursong ito. sa labas ng debate, may babaeng nababastos sa kalsada. may baklang duduraan sa highway ng mga truck driver. may magagahasa, may mapapatay. at iba't iba pang lebel ng karahasan. sa tingin ninyo manong pananaw ang nagpahintulot ng mga ganitong karahasan sa mga babae, bakla, lesybana at mismong sa mga kalalakihang hinuhusgahan ang kanilang pagkalalaki sa palakihan ng bayag?

    ReplyDelete
  24. Perfecto "Tat" Sengcal-AbaoMay 10, 2009 at 11:21 PM

    Para kay Anonymous, May 10, 2009 11:02 PM:

    Nauunawaan ko.

    Sa sarili kong pananaw hindi talaga tama iyan. Sa totoo lang Anonymous hindi ako nagpapalaganap ng tolerance. Ang punto ko dito ay hindi natin kahit kailan puwedeng sabihin with absolute conviction na mali ang iba at tama tayo. Kaya nga sabi ko ang magagawa lamang natin ay panghawakan ang tama para sa atin. Sa pananaw mo nararapat pigilan ang pagbalewala sa dignidad: tama iyan sa paningin mo, at kasama mo ako diyan. Pero mayroon talagang mga tao na hindi titignan na ABSOLUTELY tama iyan. At may mga garapal na sasabihing MALI iyan, at BATAS ANG PAGPAPALAKI NG BAYAG. Dahil hindi tama sa atin iyan, tingin natin tamang kalabanin iyan.

    Ang nais kong sabihin: subjective ang tingin natin sa kung ano ang tama. At dahil diyan, may silbi ang diskurso. Bakit ba tatalab sa atin ang imahen ni Kenshin Himura kung walang naniniwala sa pag-unawa sa konteksto at pagdadaan sa diskurso (kahit samahan ng lakas)?

    Marahil tama na muna para sa ngayon. Sasagutin ko ang iyong dagdag na tanong pagbalik ko.

    ReplyDelete
  25. hindi ako nagmamalinis na hindi ganito ang humor ko/namin. minsan pa nag mas baboy. pero hindi naman namin pinapalaganap pa sa pamagotan ng ganito. at ngayon naunawaan ko, na maski ang pribadong biruan namin, ay manipestasyon na ingrained pa rin sa aming kaisipan ang namamyaning kultura ng machismo.

    pwede naman self-reflexive ang blog eh. na pinapakita rin ng mga nasa likod nito ang kanilang ka-macho-shet-an. pero parang ineenjoy ninyo ang kasikatan ang ang mga accolades ng mga kapwa machoshit. at nang may mga kritisismo na, ayun, i-jinustify na ang existence. pero aminin ninyo, ineenjoy nam ninyo ito. hindi na siya self-reflexive kasi nagtake-over na mismo ang 'satire,' macho shit na talaga kayo. period. at wala nang paumanhin dun. yun ang tunay na lalake sa konteksto ng blog na ito.

    ReplyDelete
  26. sa mga kritiko ng TnL, inggit lang yata kayo kasi mas sikat na sa inyo ang blog na to. gusto nyo rin siguro sumikat kaya tinitira nyo ang blog na to para makilala din kayo.

    digs?

    ReplyDelete
  27. ang emo. ampotah. hay. as long as im having fun reading this-okay lang. i dont give a shit. and besides, what will happen if he'll get it down or something-it won't be the end of the world. given na yang mga bagay na yan sa mundong ginagalawan natin.

    kung ayaw mo-di wag epalan. ang tunay na lalake hindi pakialamero sa buhay ng ibang tao. digs?

    p.s. oo kahit kung gaano pa to ka "below the belt".

    ReplyDelete
  28. ^^ tanong mo kaya ayn sa m,ga taong nasa likod ng blog na ito?

    ReplyDelete
  29. ^^ o mga bosing, anong gagawin ninyo dito kay Herbs D.?

    ReplyDelete
  30. Bakit kayo nag-aaway? I think you guys are missing the point. Mula pa sa umpisa, mga images ang pinupuna nila. Kung sinomang nagpapaniwala na ito ay dogma ay 'di critical mag-isip. I don't think this is a reply to any post at all. Ang KJ n'yo mga nagpo-post ng hate shit kesyo pro o anti sa blog na 'to. Mukha bang seryoso? I don't know kung may nangyayaring conflict. Sinira n'yo lang trip ko. Nakakatawa naman talaga 'yong picture. I mean, check out the text sa pic then 'yong caption, tapos tingnan n'yo uli 'yong pic. Wasak ba dahil may credibilidad na naitaguyod ang "Online Pinoy Weekly"?. Eh, kung sa ibang publikasyon 'yan lumabas? Mag-iiba ba pananaw n'yo? Palibhasa nagpapaniwala kayo na may kinalaman ang mga ka-shit-an na names na na-li-link sa blog na 'to? For all I know, lahat 'yan sumasakay lang para sumikat. Keep up the good work, Hay! Men! Talasan n'yo pa ang panunuri sa mga imahe dahil maraming tao ay 'di marunong magbasa. Sa Online Pinoy Weekly, 'wag kayong maantala. Ang credibilidad ay 'di nababatay sa blog na ito. Mukhang tayo-tayo ang naghuhusgahan dito, mga peeps. So chill.

    -Ivy Londares-

    ReplyDelete
  31. ^ Ivy, dapat kasi basahin mo yung link. Tapos basahin mo rin yung mga naging puna ni Danny Arao sa blog na ito. Dun mo malalaman na hindi lang yung imahen yung tinitira dito.

    ReplyDelete
  32. chill, chill. yung mga dumedepensa sa blog na to ang di maka-chill. napupuna lang, highblood na. ang tunay na lalaki di nahahighblood.

    ReplyDelete
  33. ang simple lang naman ng komento ko sa operators ng hay!men! o TNL. ni hindi ko nga iniintellectualize e. ang sabi ko, walang ipinagkaiba ang dominanteng anti-gay at anti-women na "jokes" at posts sa TNL sa offensive na humor nina michael v, willie revillame at joey de leon.

    mahirap ba para sa inyo na tanggaping nagkamali kayo? na naging anarchistic na ang blog na ito? na ang sexist nyo lang?

    hinahayaan nyo ba talaga ang anonymous postings para kahit yung walang internet identity ay puwedeng magcomment, o para mas madaling "magpakatotoo" at mas madaling maging "matapang" na macho shit at anarkista ang ilang visitors nyo?

    andami na kayang "online hate shit" dito pero hindi naman dinedelete. samantalang hindi naman hate shit yung comment ko sa CHUPA CHUPS na entry, pero asan na ang blog entry nyo na yun? at asan na ang comment ko dun? deleted. so ibig sabihin ang practical criticism na ginawa ko ay considered hate shit, dahil lang kritikal ito sa inyong pagiging sexist at chauvinist!

    at kung totoong nagre-reasses kayo, bakit wala namang ipinagkaiba sa nauna na ninyong mga macho shit at sexist na entries ang mga bago at nagpapatuloy ninyong posts?

    hindi rin palaging subersibo ang humor. manood kayo ng wowowee at eat bulaga. or better yet, wag na tayong lumayo pa. para sa latest macho shit at sexist shit, magbasa ng blog posts dito sa http://tunaynalalake.blogspot.com.

    mabuhay ang anarkismo ng naghaharing ari ng patriarkal na lalaki!

    ReplyDelete
  34. mukhang di naman "naantala" ang "online pinoy weekly." nag-eenjoy nga raw sila e. angsaya-saya!

    ReplyDelete
  35. ^^ Mykel, hinahayaan ng mga may-ari ang Anonymous postings para kahit sila pwede silang magpost ng kung ano-anong shit nang walang repercussions.

    Di ba, tama ako mga bok?

    ReplyDelete
  36. yun. eksakto. walang responsibilidad. basta "kanya-kanya" lang daw. walang seryosohan. ganun ka-cheap ngayon ang salita. walang halaga, at hindi kailangang panindigan.

    ReplyDelete
  37. Tama. Tulad ng litrato sa itaas. Hindi kailangang panindigan. Ako ang author ng blog na ito. Mas gusto ko talagang mag-tago sa pangalang Anonymous para hindi ko mabisto ang sarili ko na ako ang kausap ko at blog ko ito. Baka kasi maituring ko ang sarili ko na authority at tumigil ako sa pagpuna sa sarili. Salamat nga pala, mga fans!

    ReplyDelete
  38. I am exasperated at how satire has been deployed in this debate, playing as the signifier of an asylum, hiding away from the concrete situation, that by the posts and all remarks, this blog has eventually unfolded into a racist and patriarchal virtual archive. Maybe, it will be of great help for the operators, that when we say humour, simple shit or satire, these sheer utterances of disgust and comical attempts are not santized specimens that are disenfected by any sort of political implication. It is precisely by these remarks, politics are greatly unravelled as it is deemed our willed participation in a public discourse, or the operations of the signs.

    We have to remember that our notions of real men and other social categories are prime indicators of the political antagonisms that is culled from our social spaces.

    ReplyDelete
  39. ^so uhm ano na uli sinasabi mo?

    ReplyDelete
  40. "I am exasperated at how satire has been deployed in this debate, playing as the signifier of an asylum, hiding away from the concrete situation, that by the posts and all remarks, this blog has eventually unfolded into a racist and patriarchal virtual archive. Maybe, it will be of great help for the operators, that when we say humour, simple shit or satire, these sheer utterances of disgust and comical attempts are not santized specimens that are disenfected by any sort of political implication. It is precisely by these remarks, politics are greatly unravelled as it is deemed our willed participation in a public discourse, or the operations of the signs.

    We have to remember that our notions of real men and other social categories are prime indicators of the political antagonisms that is culled from our social spaces."

    pag natagalog mo yan, tunay na lalake ka.

    ReplyDelete
  41. ^sabi daw ay:

    may satire na dineploy sa debate, naglalaro bilang senyales ng isang lugar para sa mga siraulo, nagtatago mula sa mga tunay na pangyayari, na mula sa lahat ng mga isinalpak at binanggit, ang blog na ito ay bumulatlat at naging maka-lahi at maka-lalakeng ipunan ng kung anu-anong shit sa kawalan...

    ewan ko! basta digs na 'yon!

    ReplyDelete
  42. ^^ uuy tunay na lalake sya... hehehe. actually nang gugulo lang ako (ako un nag post sa taas mo, ang seseryoso kasi ng mga tao dito e.)

    ilang ulit ba dapat sabihin na wag ng seryosohin ang isang humor blog gaya nito at di naman eto nakaka apekto sa kanya kanya nating personal na buhay.

    dati, mahilig akong makipag away sa YM lalo na at madaming naiimbyerna sakin pag nag we webcam ako (kung ano man gigagawa ko, akin nalang yon). pero wala akong napala, di ako naging artista, wala akong kumalat na sex video, di ako sumikat, wala akong nakilalang matino, di ako tumalino at di ako yumaman.

    eto lang kumabog sa utak ko kaya tinigil ko ang aking kalokohan :

    "fighting over the internet is like competing in the special olympics. even if you win, you are still a retard.

    ReplyDelete
  43. ang bobo naman ng comment na ito, ikaw mismo ang di maka-gets sa kanial. kumain ka nga ng boy bawang para tumalino ka ng kahit konti. poet ka pa naman... tsk tsk

    ReplyDelete
  44. grabe. bilang isang babae, okay nung una ito, lalo na nung nalaman ko kung sino ang may pakana nito. crush ko kasi si mikael co! grabe! pinagnanasahan ko pa yan! sa akin ka na lang magfocus kaysa dito sa blog na ito at iwanan mo na lang sila. iyan tuloy, inaaway ka nila. ang sarap sarap mo mikael!!!!!

    ReplyDelete
  45. ^^^ e okay lang sana kung joke lang talaga. e sineseryoso din pala nung mga may pakana. :p

    aminin na kasing sexist shit ito.

    ReplyDelete
  46. paps c hayden co di tunay na lalake!
    bakit:
    may abs
    nasayaw ng im never gona dance again na kinanta ng di tunay na lalake na si george michael!

    -nickburnick

    ReplyDelete
  47. ^ pota careless whisper shit ka! im never gona dance again amp!

    ReplyDelete
  48. hahaha. ang tunay na lalake hindi nagcocomment ng anonymous at di duwag kung tirahin ng iba :P

    wala. buraotan lang haha

    ReplyDelete
  49. d ko talaga digs kung bakit merong nagdidiskurso ng malalim dito. yung mga comments naman dito d inaabsorb sa kanyang face value kundi dapat kinokontextualize nito. numero uno, isa itong humour blog at kung anuman ang maipost o maihighlight dito ay layunin nya lang ay magpatawa. pangalawa, imbes na makipagdiskurso kayo dito, hayaan nyo nalang magenjoy ang nageenjoy sa site na to. kung naooffend kayo marami pang mas mabangis na sites kesa dito... nagbabasa ako ng hay!men! noong una pa at nagulat nalang ako na may nagaaway pa pala dahil dito. relax lang mga tol... walang pupuntahan ang malalalim na diskurso nyo at mawawala din ang saya sa site na to...

    ReplyDelete
  50. ano ba, wag nyo ngang awayin si mikael ko este co. :p

    ReplyDelete
  51. naghaharbor na ba kayo ng serial killers dahil sa blog na ito? nagpupunta lang kase ako dito para matawa. mukhang masyadong nang seryoso yung iba.

    ReplyDelete
  52. ^^serial rapists. ingat ka baka isunod ka

    ReplyDelete
  53. Simple lang naman ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng malalim na diskurso dito: bagamat isang "humor" blog ito ay sadyang may pulitikal na karakter pa rin ito dahil bumabangga ito sa mga bagay na nakakaapekto ng panlipunang pananaw at siyasat. Pinakamagandang halimbawa ay ang nadevelop ng "Tolerance" ng mga anonymous shit dito sa tipo ng humor at kaisipang pinapalaganap ng mga awtor.

    Hindi niyo ba napapansin na nagiging lenient na kayo sa mga sexista at pyudal na kaisipan dahil inaakala ninyong "good time" lang ito? Ibig sabihin, dahil sa pinagmamalaki nilang "pluralist" shit dito, hindi na nakamit ng blog na ito ang layunin nitong "satire": hindi na nakaka-instill ng critical thinking, quite the opposite nowadays.

    Huwag na magtaka kung bakit sineseryoso na ang ilang mga blogposts dito: SERYOSO naman talaga ang isyu na ito sa simula palang. Isipin niyo nalang kung gaano na kaBOBO ang mga anonymous shit posts dito.

    Unsolicited advice sa mga owners ng blog na ito: kalimutan niyo na ang any notion na post-modernist ang internet. extension ito ng lipunang kinagagalawan natin na mayroong mapagsamantala at sinasamantala. Naway pumanig na ang mga susunod niyong blog sa pinagsasamantalahan (while still being humorous, of course) at sumandig sa orihinal na mithiin ng blog na ito: ang maging satire para sa ikauunlad ng bayan.

    Otherwise, hindi kayo tunay na lalake. Hehe.

    ReplyDelete
  54. Naku, mas tunay na lalake ang bulatlat.com! dahil ang tunay na lalake, nambubulatlat. :-)

    ReplyDelete
  55. Ayon sa item #7 sa manifesto, dapat magsorry kayo sa TnL na Online Pino Weekly and by extension ng argument ng pinoy weekley, kay mykel andrada din (pareho lang argument nila), pero dahil hindi niyo to ginagawa, ang TUNAYNALALAKE.BLOGSPOT.COM ay DI TUNAY NA LALAKE

    Digs? HAHAHAHA

    ReplyDelete
  56. ^ digs! totoo yan pota. pikon talaga ang mga nandito, di pa kayang mag-own up sa pagkakamali. :p

    ReplyDelete
  57. Dati akong taga-Pinoy Weekly at natatawa lang ako sa mga komento sa blog na ito. Kung anuman siguro ang mga puntong o puna na nai-raise ay mas maganda sigurong napag-usapan kahit sa email na lang at hindi na humahantong sa ganito pang pagpe-flame war. Napapaypayan lang ang maliit na apoy. Sa huli, on both sides, tingnan din natin kung saan nga ba ang tunguhin ng mga punto nyo. Kung ano nga ba ang gusto ninyong mangyari.

    Sa aking opinyon, hindi ko ito ipagpapalagay na patamang below the belt unless me hinaharbor na sama ng loob ang nagpost sa kung kaninuman sa kasalukuyang taga-Pinoy Weekly.

    Sa ngayon, magkikibasa na lang ulit ako at tatawa sa mga pinagpopost nyong lahat.


    Rakenrol.
    -Jason Valenzuela

    ReplyDelete
  58. tama Bulatlat.com ang mas tunay a lalake!!!

    ReplyDelete
  59. Yung mga nagdedbate po ba dito eh yung mga di nakapasa sa mga try outs ng U.P. debate circle?

    ReplyDelete
  60. "Huwag na magtaka kung bakit sineseryoso na ang ilang mga blogposts dito: SERYOSO naman talaga ang isyu na ito sa simula palang. Isipin niyo nalang kung gaano na kaBOBO ang mga anonymous shit posts dito."

    actually, that's the point, GANUN kabobo ang mga anonymous shit na mga post dito..

    pero minsan, kailangan ng tao ang pang-unwind at karapatang maging "bobo"

    I have the right to be stupid.

    And I'm smart enough to be stupid.

    hindi lahat ng bagay, kailangang seryoso at ilagay sa kritikal na isipan na irarally mo na lang kung saan at sumigaw ng "makibaka".

    Siguro ang maisasang-ayon ko lang ay dapat hindi ito basahin ng mga bata. PG o baka R-18 pa.

    Sa bagay, ang tunay na lalake ay di dumadaan sa pagkabata.

    ReplyDelete
  61. ^Digs, pero may harmless na kastupiran. At merong hindi. May mga harmless na joke. At merong hindi. You have the right to be stupid. And certainly you have the right to laugh.

    But not at the expense of promoting violence (subconsciously perhaps) against gays and women.

    Gusto ko rin naman matawa, eh. Kaya ko nga binabasa ang blog na 'to. Pero yun nga, yung ibang mga komento at entry hindi na nakakatawa.

    Halimbawa: 'di ako natatawa pagminumura si Mykel dahil sa kanyang bading shit. Kung natatawa yung iba sa ganyang hate shit, mehn, kailangan na talagang seryosihin 'to. Mali na 'yan, eh.

    ReplyDelete
  62. Salamat nga pla sa mga nagtanggol sa aking pagka TNL. at opo, hindi ko po kamag-anak ni Jollibee.

    -Masked Rider

    Bat nga ba Pinasok tayo nang mga Highly Intellectual Beings na mga ito? Kung may reklamo kayo, wag ninyong ipost dito sa blog na ito at nasisira ang araw ko. Saka hindi din kayo mananalo.

    -Xel

    ReplyDelete
  63. Para sa mga nagtatanggol sa online pinoy weekly,

    Malinaw ang argumento ng blog na to. nahahaluan lang ng mga personal na shit kaya sobrang di na digs ang mga hate shit. kung personal, wag nyong dalhin dito. simpleng simple, kung ayaw nyong matira dito, sabihin nyo sa OPW tanggalin nila yung pic nung batang nagbebenta ng dyaryo sa banner nila. yun lang.
    ang dating kasi eh ginoglorify ng OPW ang pagbebenta ng dyaryo ng mga bata at ang mismong child labor. Papayag ba ang OPW na masabihang promotor ng child labor dahil banner pa lang nagsusuggest na nito? sa tingin ko naman hindi. Sa tingin ko seryoso ang OPW sa layunin nila at hindi nila titingnang negative ang pagpunang ito sa kanila. hindi naman siguro sila kasing bobo ng mga haters nitong blog na natabunan na ng galit yung kakayanang mag isip ng matino at kritikal. obvious naman na kapag pinasok na ng emosyon ang tao eh nawawala na ang pagiging critical thinker nya.
    saludo ako sa mga author ng blog na to na nananatiling matalas sa kabila ng kabi kabilang shit na ibinabato sa inyo. good work guys! digs na digs ko ang shit nyo. pagpatuloy nyo lang at mas lupitan nyo pa.

    -Ann Liberio

    ReplyDelete
  64. Digs na digs ko ang argumento ni Ann Liberio.

    -Eric ng Cebu

    ReplyDelete
  65. Saludo ako Ann at Jason-sport ka tsong!

    ReplyDelete
  66. tangina sumakit ulo ko dito, daming shit ng mga tao tangina nyong lahat, d kayo tunay na lalaki

    ReplyDelete
  67. anong sport? hindi ito olympics, tanga.

    ReplyDelete