Friday, May 1, 2009

Combatron: Under Consideration

Isang masalimuot na pagtitimbang ang estado ni Combatron.

TnL points:
1. Siya si Empoy, isang taong walang magulang, tambay, bago nakuha ang armor ni Combatron.
2. Galing siya sa Pinoy Funny Comics, na kahit mukhang para sa mga dumaan lang sa pagkabata ay posibleng binabasa noon ng mga lumpen, drayber, kristo sa sabong, balasador sa saklaan, mga bayaw, at iba pang tropang TnL.
3. Wala siyang sidekick na pornstar, pero may sidekick siyang Askal na robot (ang aso version ng mga taong tambay), at si Metalika--isang babaeng robot na may mga susong gawa sa bakal.

DTnL points:
1. Katunog niya ang pangalan ng gamot-pamurga sa mga bulate (na sa kabilang banda, ay mga hayop na posibleng namamahay pero di iniinda ng mga TnL, ay, kay salimuot...)
2. Bakit pa magpi-Pinoy Funny Comics kung meron namang Pinoy Playboy at ang mas lumang mga BTS (Bedtime Stories) na komiks? O, bakit pa magbabasa ng mga ganitong shit kung ang TnL ay kayang tumira ng aktuwal na katawan?
3. Bukod kay Askal at Metalika ay may isa pang sidekick si Combatron na ipinangalan sa isang DTnL--si Axel

***

Mukhang para sa ibang araw na lang paglilimian kung tunay bang lalake si Megaman (o paano kung mag-heads up battle sila)

(image galing sa http://fc05.deviantart.com/fs15/f/2007/045/f/f/combatron_by_gekart.jpg)

26 comments:

  1. ang haba, di ako makarelate. next...

    ReplyDelete
  2. sino ba yang si combatron shit na yan

    ReplyDelete
  3. wow inaayos niyo na yung blog. change of fonts, etc. whats next, floral background? i suggest paisley. maganda kung ochre. very masculine pero hindi in your face, hint lang, very subtle, a whiff.

    ReplyDelete
  4. TnL ang nagbabasa ng fanny komiks

    -kapitan barwet

    ReplyDelete
  5. si Combatron ay isang karakter na dating lumabas sa Filipino Funny Komiks circa 1990...maaaring ang una't ikalawang nagkomento ay di naabutan ang Funny Komiks.

    TnL na sana si Combatron, ngunit keso ang mga linya nya, katangian ng isang DTnL...see http://guerrillaradio.multiply.com/journal/item/2 at husgahan kung pang TnL nga ba ang kanyang kadramahan.

    ReplyDelete
  6. Hahahahaha!!! Mga rakilitos mga bubuwit! Mga totoy!!! Taena!!! 'Di niyo kilala si Combatron?


    Ibig sabihin di niyo rin kilala sila Niknok? Bardagol, Matsutsu?

    Shit kayong generation callalily kayo!!!!

    Hahahahaha!

    ReplyDelete
  7. si elmo ay isang tunay na lalaki. check dis out pipz...

    http://1.bp.blogspot.com/_MPvswO6lxOY/RqYF1Nf4tvI/AAAAAAAAAzo/oJY2pRLeF6w/s400/eat%2Bme%2Belmo.jpg

    ReplyDelete
  8. wow inaayos niyo na yung blog. change of fonts, etc. whats next, floral background? i suggest paisley. maganda kung ochre. very masculine pero hindi in your face, hint lang, very subtle, a whiff.

    baka ikaw ang ayusin ko. umayos ayos ka, ha.

    ReplyDelete
  9. "wow inaayos niyo na yung blog. change of fonts, etc. whats next, floral background? i suggest paisley. maganda kung ochre. very masculine pero hindi in your face, hint lang, very subtle, a whiff."



    E Kung pini-paisley ko kaya at inu-ochre ang mukha mo?

    ReplyDelete
  10. kawawang mga bagets hindi kilala si combatron,

    TnL si combatron dahil palihim nyang kinakantot si Metalika.

    ReplyDelete
  11. Perfecto "Tat" Sengcal-AbaoMay 2, 2009 at 7:52 PM

    Kawawa nga ba o oppressed, mga elder? Ang henerasyong ito ay hindi lumaki sa Funny Komiks dahil hindi yata sila pinayagan ng magulang; pero akong pinanganak noong 1990 ay naabutan ito: in fact, may mga stack ako nito sa bahay e. Inabutan ko pa ang paglathala ng Addenis X, Kenji, Planet Opdi Eyps at ang p*tang-in*ng bulol na si Eklok. Masyadong cheesy din ang mga kwento palibhasa pambata, pero astig naman ang art.

    At siguro hindi naman masamang i-relate ko ito dahil hindi naman talaga ako TnL.

    ReplyDelete
  12. buti alam mo! . .daming mong alam na shit eh!

    ReplyDelete
  13. eh gago ka pala, kasalanan ba naming wala nang funny comics shit sa panahon namin? kung mahal mo talaga yaung funny comics shit mo, eh di dapat nagpaimprenta ka ng milyong-milyong kopya, umalis ka sa trabaho mo para ipamigay sa mga katulad naming new generation shit para magkaintindihan tayo ng mga funny comics shit mo.

    ReplyDelete
  14. Sa dalawang sinundan kong Anonymous:

    Pakibasa pong muli ang Manifesto at mga Addenda. Wag mang-hassle ng mga taong nakakatulong sa usapan, lalo't nagsisikap nga umayos ang pagdedeliberate sa pagkalalaki ng topic. Hindi dapat sa tunay na lalaki ang pakikisawsaw sa hate-shit. kaya hindi kayo tunay na lalake mga putang-ina niyong walang alam kundi panghahassle! Lintek!

    ReplyDelete
  15. Pota, di ka tunay na lalake pag di mo naabutan funny comics!

    ReplyDelete
  16. pagkakatanda ko may isa pang sidekick na chick si combatron nung bandang huli. mechababe ata ang pangalan nun.

    ======

    isang makalalakeng request ng isang TnL: pakianalyze naman ang kubori kikiam at si pol medina jr/pugad baboy

    ReplyDelete
  17. kung matalo ni combantron si megaman tunay na siyang lalake. kase mapapatay niya ang lalakeng madameng shit e.g. pag nakakapatay ng kalaban si megaman nakukuha niya yung mga shit ng kalaban niya.

    ReplyDelete
  18. wow inaayos niyo na yung blog. change of fonts, etc. whats next, floral background? i suggest paisley. maganda kung ochre. very masculine pero hindi in your face, hint lang, very subtle, a whiff.

    - putangina ang tunay na lalake walang alam na kung anu-anong shit na OCHRE at WHIFF...

    ReplyDelete
  19. kawawa kayo di nyo kilala si combatron... sino nga yung makulit na bata na nsa funny komiks din??

    ReplyDelete
  20. TNL ang Funny Comics dahil puno ito ng mga ripoff at walang pakialam sa copyright. ang tunay na lalake, lumpen at sinungaling!

    ReplyDelete
  21. eh si tinay pinay? o mamoy at maka? mga TNL ba?

    ReplyDelete
  22. eh mga dtnl pala yung hindi nakabasa ng funny comics.1991 ako pinanganak pero naabutan ko p[a yan

    ReplyDelete
  23. Super Blag, Isang Tunay Na Lalaki. Mahilig matulog, malaki ang tyan, pero tumitigas pag nakikipagbakbakan. Digs?

    ReplyDelete
  24. TnL ang Funny Comics...dahil walang pakialam sa copyright at lahat ng uso na story eh ginagaya at ginagawaan ng version..ang Combatron ay pinaghalong Megaman concept na me storyline ng Transformer the movie (yung movie na namatay si Megatron at naabsorb sya ng planeta ainibaang itsura nya, si prime naman eh na tsugi din at pinalitan ng isa pang truck na autobot)

    ginaya din ng Funny comics ang X-men sa story ng Force 1 Animax (Mga X-men pero puro hayoff.

    ReplyDelete
  25. sa tingin ko lng, ang hindi kilala si combatron, DTNL.,

    sapagkat siya'y lumaking mayaman at malayo sa hirap, di nya alam kung ano ang mga panglipas oras ng mga taong walang magulang, tambay, mga lumpen, drayber, kristo sa sabong, balasador sa saklaan, mga bayaw, at iba pang tropang TNL.,

    ReplyDelete