Wednesday, April 22, 2009

Ang tunay na lalake heads-up battle: Rambo vs. Jack Bauer



Rambo:

1. Pumapatay siya ng mga Cambodian na naghahagis ng baby sa lumiliyab na kubo.

2. Laging parang may subo siyang holen kapag nagsasalita.

3. Siya rin si Rocky.


Jack Bauer:

1. Magaling siyang mang-torture.

2. Naadik siya sa heroin (see 24 season kung saan may nakalaban silang mga Chicano.)

3. Magaling siyang mang-torture.

May mga pagkakataong kailangang pagtapatin ang dalawang tunay na lalake, sa simpleng kadahilanang hindi natin maisip kung sino ang mas gugustuhin mong rumesbak sa iyo pag napatrobol ka.

Kaya: Kung ikaw ang tatanungin, sino ang mas tunay na lalaki? Si Rambo, o si Jack Bauer?

Mangyaring mag-iwan ng maikling paliwanag bilang komento. Ang tunay na lalake, hindi umo-oo o humihindi nang walang dahilan. Digs?

45 comments:

  1. Si Jack Bauer ang tunay na lalaki dahil suwabe siya.

    Hindi tunay na lalaki si Rambo dahil may abs siya at may suot na headband.

    ReplyDelete
  2. Kaya lang si Jack Bauer mahilig nang magsuot ng tight-fitting stretch shirts na mala Simon Cowell and dating. At sa tingin ko hindi tunay na lalaki si Simon Cowell

    ReplyDelete
  3. namatay na minsan si Jack Bauer, pero nabuhay muli. At mas maraming season ang 24 kesa sa Rambo series.

    ReplyDelete
  4. Jack Bauer. Any day. He could be a father figure din, diba? He HOT!

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Mas-lalake si Rambo. Tignan n'yo si Jack Bauer parang bading humawak ng AK47.

    ReplyDelete
  7. kaya nga, e. ako nakay rambo ang boto ko. si jack bauer parang hindi nadurumihan. parang masyado siyang madaling i-equate kay legolas, na no contest naman na hindi tunay na lalake.

    ReplyDelete
  8. at, jing: ang tunay na lalake hindi suwabe.

    ReplyDelete
  9. Hindi tunay na lalaki si Rambo dahil ang isang tunay na lalake hindi gumagamit ng steroid bilang pampaumbok ng masels.

    Final Verdict: Si Jack Bawer ang tunay na lalaki dahil isa siyang eygent at wala ng pag-pipilian pa.

    ReplyDelete
  10. Eh si Jack Bauer matanda na yan pero mukhang bata pa din. Malamang nagpa-botox yan, Hindi yan ang tunay na lalaki.

    ReplyDelete
  11. pareho silang tunay na lalake dahil pareho nila tayong puwedeng gulpihin kapag kinuwestiyon natin ang pagkalalake nila. ang tanong kung sino ang mas tunay na lalake sa kanila.

    ReplyDelete
  12. mas tunay na lalake si rambo dahil siya ang inspirasyon sa likod ng larong Contra na no contest namang video game ng mga tunay na lalake.

    ReplyDelete
  13. Ang galit sa puso ni Rambo ay pwedeng masis sa Post Traumatic Shock.

    Ang galit sa puso ni Jack Bauer ay galing sa pagmamahal sa bayan.

    ReplyDelete
  14. mas na lalaki si jack bauer dahil nagtatagalog sya noon sa channel 2.

    "Magbabalik ang 24..."

    ReplyDelete
  15. Kaya bang magpasabog ng nuclear bomb sa isang rainforest si Jack Bauer gamit-gamit lamang ang kanyang talino isang land mine, at ang amoy ng pawis niya? Kaya ba niyang tadtarin ang gubat ng submachine gun na sa sobrang wild ng pagpapaulan niya ng bala ang mga kontrabida lang ang tinatamaan at hindi ang mga kakampi? Kaya ba ni Jack Bauer ang mga iyon? ha? ha? HINDI! AKO LANG! AKO ANG TUNAY NA LALAKI! Ang umangal sasaksakin ko ng Rambo Knife ko.

    ReplyDelete
  16. tunay na lalaki si Rambo dahil bago siya naging Vietnam War Veteran ay gumanap muna siya sa isang bold na pelikula...

    ReplyDelete
  17. si rambo mas lalaki. hindi lang isang batalyon kundi buong bansa ang kinakalaban niya.

    ReplyDelete
  18. ang lalaki,palaban.. palaging nakatutok ang baril..

    hindi pumoposing posing kasama ang baril..

    ang lalaki,walang strap ang baril..

    ReplyDelete
  19. ang tunay na lalake nag wawala pag uwi ng bahay

    ReplyDelete
  20. Si Rambo. Kahit may abs sya at may headband, dahil pumatay sya ng hindi tunay na lalaki. (see rambo 4)

    ReplyDelete
  21. tunay na lalaki si rambo dahil dati porn star sya.

    tunay na lalaki rin si jadck bauer dahil dati syang lost boy at isang bampira.

    ReplyDelete
  22. si rambo ay tunay na lalake dahil kaya niyang gumamit ng machine gun gamit ang isang kamay.

    ang tunay na lalaki ay naliligo sa putik.

    ReplyDelete
  23. ang tunay na lalaki ay kayang iligtas ang mundo sa loob lamang ng 24 oras o mas maunti pa.

    ReplyDelete
  24. si Jack Bauer ay tunay na lalake dahil anak niya si Elisha Cuthbert sa kanyang palabas!

    ReplyDelete
  25. Si Jack Bauer ang tunay na lalaki dahil nayayakap nya ang anak nyang si Kim Bauer (Elisha Cuthbert) at dahil dun, nadadampian nya ang suso ni Elisha! Panalo ka kumpareng Jack! Shot na!

    ReplyDelete
  26. Wala. Wala akong mapili! Digs.

    ReplyDelete
  27. boto ko si jack bauer!!!

    yung boses ni rambo, parang nangha-hada,...

    ReplyDelete
  28. si rambo, dating si rocky--bato! si jack bauer dating lost boy, nanininghot ng kapwa lalake.

    ReplyDelete
  29. tunay na lalake si jack bauer kasi hindi siya natutulog!

    ReplyDelete
  30. ang tunay na lalaki, malabo kausap...

    tunay lalaki si rambo!

    ReplyDelete
  31. Si Rambo walang bulbul sa kili-kile. Isang matinding pangitain ng hindi tunay na lalake.

    ReplyDelete
  32. mas malaki boobs ni Rambo kesa kaii Jack. di tunay na lalake si rambo. :P

    ReplyDelete
  33. sino ba sa kanilang dalawa ang dating porn star?

    ReplyDelete
  34. sabi nga sa ang lalaking kabayo ay lima ang paa: mas mahaba ang baril ni rambo kesa kay jack therefore mas tunay na lalake si rambo..saka si rambo ginugulpi ung mga baka sa ref gawain ng mga tunay na lalake - brutal mag handa ng pagkain..

    ReplyDelete
  35. mas tunay na lalaki si jack bauer, dahil si Rambo - labas ang suso..

    ReplyDelete
  36. Tunay na lalaki si Jack Bauer dahil nagagawa nyang pigilan ang pag-ihi at pag-ebak sa loob ng bente-kwatro oras upang iligtas ang sambayanan laban sa mga terorista.

    ReplyDelete
  37. Mas tunay na lalaki si rambo dahil mas praktikal sya.

    Tignan nyo mabuti ang mga pics, mataas ang sikat ng araw, at si rambo ay naka sando lang. Si Jack Bauer ay naka longsleeves and shit!

    At pansinin nyo din na napaka easy lang ng mukha ni rambo dahil wala naman sya ginagwa. Si Jack Bauer ay galit na galit pero hndi naman pumuputok baril nya. Ayon ay bawas sa pag kalalaki points ni Jack

    ReplyDelete
  38. Hindi galit si Jack Bauer sa picture sa taas, at kahit sabihin natin na ang tunay na lalaki dapat barumbado makipagaway tulad ni Rambo, mas magtitiwala ako sa isang tunay na lalaki na nagaasinta ng kanyang baril para siguradong patay ang kalaban. Kaya si Jack Bauer ang boto ko.

    ReplyDelete
  39. Si Rambo, di na inaasinta ang kalaban. Ang tunay na lalaki, walang pakialam kung sino tamaan ng bala. Ang importante, may mapatay.

    ReplyDelete
  40. si jack bauer ay di tunay na lalaki dahil dati siyang bampira at alam naman natin na ang mga bampira ay di tunay na lalaki dahil mahilig silang "mangsipsip" sa aking palagay ang tunay na lalaki ang nagpapasipsip at kahit kelan di naninipsip.

    at mas mahusay mangtorture ang mga vietcong kesa ke jack bauer. at nagkatsinelas pa dati na ang tatak ay rambo panalong pangtumbang preso. puntos para ke john rambo.

    -humanbodyparts

    ReplyDelete
  41. rambo rin ako.. si jack bauer nakikipag negosasyon pa pero si rambo hinde.. ang TnL di na nakikipag negosasyon.. bakbakan kaagad!!!

    ReplyDelete
  42. si Jack Bauer hindi nagbabanyo

    ReplyDelete
  43. Jack Bauer=TNL. Hindi siya nagbabanyo at hindi rin siya natutulog

    ReplyDelete
  44. oo nga. never pa pinakitang umihi o jumebs man si Jack Bauer. Pero come to think of it, di rin umiihi si Rambo. Baka pareho silang bading dahil ang tunay na lalake, hindi mahilig maglaro ng ibang sandata.

    ReplyDelete